Share

CHAPTER 54: Challenge

Author: YULIANNE
last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-06 21:03:42

TUMAAS ANG KILAY ni Alfred pero halata sa mukha nito na tila naging interesado ito lalo pa nang naglabas ng phone si Hyacinth.

Alam ni Hyacinth na gamer si Alfred. Talagang hilig niya ito at mataas ang tsansa nitong manalo.

"Maglalaro lang naman tayo," sagot ni Hyacinth.

"At anong klaseng laro iyan?"

"Simple lang. Kagaya lang ng hilig mong laruin. At kung sino mang manalo, dapat tumupad sa usapan naton."

Napahalakhak si Alfred. "Nagbibiro ka ba diyan?" tanong pa niya.

"Hindi."

"Alam mong pro ak
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rhodora Molit
update ms a...sana palage kang mag update yung kapareho ng story mu wala nah hanggang ngayun hindi na nag update hindi natapos
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 58: Past

    HALATANG NATIGILAN ang manager. Syempre, ayaw niya sa ideyang gusto ni Romeo ng mas bata. Pero bago pa man din ito makapagsalita, bumukas bigla ang pintuan ng VIP room at iniluwa no'n si Hyacinth.Nagulat ang manager sa presenya nito pero agad din namang nakabawi. "Oh. Hello, pretty girl. Bakit ka naparito?" tanong pa ni Hyacinth. Namangha siya sa ganda ni Hyacinth at naisip niyang baka pwede ito para kay Romeo. Pero inignora siya ni Hyacinth at seryosong napatingin kay Romeo. "Ibalik mo na 'yung isang milyon na ibinigay sa iyo ni Leo," saad nito.Ngumisi si Romeo matapos no'n. Mas lalo lang nainis si Hyacinth sa loob loob niya dahil parang naeentertained pa si Romeo sa presenya niya."Wow. Hindi ko inaasahan na pupunta ka dito, Hyacinth," nakangising sambit ni Romeo."Ibalik mo sabi ang pera, eh," mas mariing saad pa ni Hyacinth.Napahagalpak ng tawa si Romeo. "At bakit ko naman gagawin iyon? Ibinigay na ito ng asawa mo. Isipin mo na lang, kabayaran ito sa pagpapalaki ko sa iyo kaya

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 57: Younger

    SA LOOB NG study, gumagala pa rin ang paningin ni Romeo, tila sinusuri ang mga mahal na kagamitan doon. Namamangha na lang talaga siya dahil alam niyang hindi biro ang presyo ng mga gamit dito sa buong mansion. At nandoon ang gutom niyang makuha lahat ng ito.Naisip niya tuloy ang ilang taong nakakulong siya. Ang totoo niyan, hindi niya makalimutan ang mga nangyari noon, kung bakit siya nakulong... dahil iyon lahat kay Hyacinth. Hindi makapaniwala si Romeo na habang naghihirap siya sa loob ng kulungan, si Hyacinth ay nagpapakasasa sa ganitong kayamanan.Hindi siya makakapayag na palagpasin na lang ang lahat.Binalingan ni Romeo si Leo at syempre, umarte na naman ito. "Leo, alam mo namang laki sa probinsya si Hyacinth. Wala rin siyang sapat na edukasyon. Kaya... sobrang swerte niya at ikaw pinakasalan niya..." anito at ngumiti pa talaga ng marahan.Kumunot ang noo ni Leo. Ayaw niya itong naririnig niyang parang minamaliit si Hyacinth ng mismong tatay tatayan nito."Kahit naman gano'n,

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 56: Greedy

    PUMUNTA SI HYACINTH sa family house nila Leo. At pagkatapak na pagkatapak niya sa loob, agad siyang nanigas nang may nakita siyang pamilyar na bulto doon na hinding hindi niya malilimutan... si Romeo.Ilang taon na ang nagdaan, napatapon siya sa probinsya at napunta sa pangangalaga ni Romeo. Naging tatay tatayan niya ang lalaki. Kinabahan bigla si Hyacinth, lalo pa nang makita na maganda ang pakikutungo sa kaniya ni Lola Elizabeth."Palaging nadidiscriminate si Hyacinth dahil sa lumaki siya sa probinsya. Pero naging maganda naman ang pagpapalaki mo sa kaniya. Kitang kita ko iyon ngayong napabilang na rin siya sa pamilya Cantavieja," nakangiting saad ni Lola Elizabeth.Nawalan ng isang paningin si Romeo. Malaking tao ito at may pagkarough ang features. Nakakatakot talaga itong tingnan. Noon, kapag nakainom ito ng maraming alak, nananakit din ito.At kilala ito ni Hyacinth. Ngayong nakaupo ito sa sofa at gumagala ang paningin sa mga mamahaling kagamitan sa mansion, makikita mo agad ang

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 55: Destiny

    NAGSEND NG invitation request si Alfred kay Hyacinth para sa panibagong laro. Ilang minuto lang ay inaccept iyon ni Hyacinth kaya naman nagsimula ng ganahan si Alfred."Let's go!" nakangising ani Alfred.Pinakitaan na ni Alfred agad si Hyacinth ng kaniyang galing sa paglalaro. Pero sa huli, ganoon pa rin ang naging resulta."Ano?!" bulalas na lang ni Alfred dahil talagang natalo pa rin siya ni Hyacinth.Sobrang frustrated na ni Alfred. Napasabunot na lang siya sa sariling buhok. "Paano ba kasi nangyayari iyon?!" bulalas na sigaw na lang niya sa sobrang inis.Si Leo sa gilid ay tahimik lang. Hindi niya alam bakit kailangang gawin ito ng kaibigan. Nanliliit lang ang mga mata niyang nakatitig kay Alfred. May naalala lang bigla si Leo. Naalala niya ang taong matalino rin na nakilala niya. Pero tinanggal niya rin iyon sa isip."Tingnan mo 'to, dude!" si Alfred bigla at ipinakita ang nasa phone nito. May message palang isinend si Hyacinth sa kaniya. Tiningnan ito ni Leo.'Lubayan mo nga ako

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 54: Challenge

    TUMAAS ANG KILAY ni Alfred pero halata sa mukha nito na tila naging interesado ito lalo pa nang naglabas ng phone si Hyacinth.Alam ni Hyacinth na gamer si Alfred. Talagang hilig niya ito at mataas ang tsansa nitong manalo."Maglalaro lang naman tayo," sagot ni Hyacinth."At anong klaseng laro iyan?""Simple lang. Kagaya lang ng hilig mong laruin. At kung sino mang manalo, dapat tumupad sa usapan naton."Napahalakhak si Alfred. "Nagbibiro ka ba diyan?" tanong pa niya."Hindi.""Alam mong pro ako sa mga ganiyan. Sa tingin mo may pag asa ka sa 'king manalo kahit katiting lang?" mayabang pang tanong ni Alfred.Si Hyacinth naman ngayon ang napangisi. "Tingnan natin," mapaglarong sagot nito."Fine!" sagot ni Alfred at inilabas na rin ang phone. "Ipapakita ko sa iyo ang kakayahan ko pagdating sa mga ganiyan. Pagsisisihan mo lang iyang deal na sinimulan mo."Hindi iyon pinansin ni Hyacinth. Ang weird lang na ganito ang naisip niyang paraan para makalaya ang kaibigan niya. Pero alam niya kasi

  • AFTER DIVORCE, THE UGLY DUCKLING WIFE BECAME A GODDESS   CHAPTER 53: Deal

    NAPAKA CONFIDENT NIYANG pinuntahan si Leo kasi naisip niyang ito na ang magiging susi upang mas mapabilis ang divorce nila ni Hyacinth. Siya na dapat ang pipiliin ni Leo sa huli.Pero kabaliktaran ang nangyari. Ang atensyon ni Leo ay na kay Hyacinth pa rin. At ngayon may pagbabanta na rin si Leo sa kaniya.Hindi matanggap iyon ni Jasmine. Mabilis niyang sinundan si Leo at niyakap mula sa likuran. Dahil do'n, napatigil si Leo."Ano ba, Jasmine?" ani Leo, may halong iritasyon sa boses nito."Dito ka lang. Dito ka lang sa 'kin, please..." may halong pagmamakaawang ani Jasmine.Hindi pinansin iyon ni Leo. Tinanggal niya ang kamay ni Jasmine na nakapalibot sa kaniya. "'Wag ngayon, Jasmine. Wala ako sa mood," seryosong sagot niya sa babae.Parang nanigas lang si Jasmine sa kinatatayuan niya. Hindi siya makapaniwala na ganito kalamig si Leo sa kaniya. "Sasabihan ko na lang ang driver para ihatid ka pauwi," dagdag pa ni Leo na para bang nagmamadali na itong pauwiin si Jasmine.Matapos no'n a

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status