LOGINPARANG DOON palang nagsink in lahat kay Hyacinth nang naramdaman na niya ang init ng coat ni Leo. Talagang pinuntahan siya nito para iligtas.Si Romeo ay nasa lupa pa rin at duguan. Malakas ang pagkakatama niya kanina kaya naman talagang hinang hina na ito ngayon. Nang nakita niya si Leo, alam niyang katapusan na niya."L-Leo... makinig ka sa 'kin," nanghihinang sambit pa ni Romeo. "W-Wala akong ginagawang masama. Inakit lang ko ni Hyacinth! 'Wag kang magpapaloko sa kaniya! Mukha siyang inosente pero alam na alam niya kung paano kunin ang loob ng mga lalaki--"Bago pa man makumpleto ni Romeo ang dapat na sasabihin, nasipa na naman siya ni Leo sa dibdib. Napaubo na lang siya ng dugo dahil sa lakas no'n.Malamig na tiningnan ni Leo si Romeo. Pero mababakasan pa rin sa ekspresyon nito ang pagkadisgusto."Gago kang basura ka," saad nito. "Anong karapatan mo para hawakan ang asawa ko?"Agad na nanginig sa takot si Romeo at napailing pa. "L-Leo... patawarin mo ako..." wika nito.Hindi pinan
ISANG MINIVAN ang sasakyang gamit ni Romeo. Mabilis ang pagpapatakbo nito habang panaka nakang sumusulyap sa backseat ng sasakyan kung saan nandoon si Hyacinth na wala pa ring malay hanggang ngayon.Napalunok naang siya habang nakatingin sa katawan nito kahit sa rearview mirror lang. Ang dami na niyang naiimagine sa babae. Mas lalo lang siyang naeexcite!"Ah, 'wag kang magmadali. Sa iyo na iyan lahat ngayon..." bulong ni Romeo sa sarili habang pangisi ngisi na lang. Gusto niyang umalis at magpunta sa malayong lugar kung saan walang nakakakilala sa kaniya. At syempre, kung saan din hindi makakatakas si Hyacinth. At kapag nandoon na sila, magagawa na niya ang lahat ng gusto niya.Napahalakhak na lang si Romeo sa plano niya dahil naeexcite lang siya lalo. Pero napapreno na lang siya nang ang ilang mga sasakyan sa harap niya ay biglang napatigil kaya natigil rin siya.Binuksan niya ang salamin sa kotse at narinig ang ilang mga reklamo ng drivers sa labas."Ano na naman bang kalokohan ito
SA NIGHTCLUB NAKIPAGKITA si Romeo. Hindi na nagtakha pa si Hyacinth. Talagang iginugugol ba naman ni Romeo ang oras niya lagi sa pagpaparty.Sa loob ng VIP room, nakaupo si Romeo habang may dalawang babae sa magkabila nito, nilalambing siya. "Wow... may isa pa kaming kasama? Maganda siya... pero sana hindi niya kami agawan..." saad nung isang babaeng kasama nito.Napahalakhak si Romeo doon. "Relax. Nandito lang naman siya para magdala ng pera," sagot nito.Hindi na nasurpresa pa si Romeo na nakita si Hyacinth ngayon. Alam niya kasi talagang pupunta talaga ito. Malamig na tumingin si Hyacinth sa mga kasamang babae ni Romeo. "Lumabas muna kayo," saad niya sa mga ito.Ngumuso ang isa at mas inilapit lang lalo ang sarili kay Romeo. "Ayaw. Gusto namin dito lang kay Romeo..." wika nito."Hey, okay lang iyan, girls. Labas muna kayo tutal may mag eentertain naman na sa 'kin," malokong saad ni Romeo sa mga babae. Ang totoo niyan ay medyo nawalan na rin talaga siya ng interest sa mga ito ngay
"KUNG ANU ANO pang sinasabi mo diyan, Hyacinth. Ibigay mo na lang ngayong gabi ang one hundred million na hinihingi ko o lalabas itong mga litrato mo. Hihintayin kita," sagot lang ni Romeo at mabilis ng pinatay ang tawag.Hindi makapaniwala si Hyacinth. Napahigpit na lang lalo ang hawak niya sa phone bago marinig ang boses ni Leo."Ang Tatay Romeo mo ba ang tumawag?" kyuryusong tanong nito.Binalingan ni Hyacinth si Leo na ngayon ay nakabalik na rin dito sa kwarto nang hindi man lang niya namamalayan. Bumaba ang tingin ni Leo sa box na hawak ni Hyacinth at mas lalo lang nacurious."Ang sabi ni Lola binigyan ka daw ng regalo ng tatay tatayan mo. Mga pictures daw... anong klaseng pictures iyan? Pwedeng makita?" tanong pa ni Leo nang hindi nagsalita si Hyacinth.Napalunok na lang si Hyacinth at napaisip. Kung tutuusin, malawak ang koneksyon ni Leo. Pwede kayang sabihin niya sa lalaki ang tungkol sa tatay tatayan niya? Pwede niya kayang ilabas kay Leo ang totoo?Pero kung sinabi nga niya,
HINDI PA MAN nakakasagot si Hyacinth, may katulong biglang lumapit."Ma'am Hyacinth, may padala po sa inyo," saad ng katulong.Kinuha ni Hyacinth ang box. "Ah, salamat. Pero kanino po galing?" takhang tanong niya."Ah... sa tatay niyo po," sagot nito.Natigilan si Hyacinth. Si Romeo na naman kasi. Hindi maganda ang pakiramdam niya rito, ibang iba kay Lola Elizabeth na ngiting ngiti pa talaga."Oh, may regalo siya sa iyo? Buksan mo na, Hyacinth!" naeexcite pa na sambit ng matanda.Kahit na may pag aalinglangan, nakaramdam din naman ng pagiging kyuryuso si Hyacinth. Kaya naman binuksan niya rin ang box.Nakapaloob doon ang ilang mga litratong nakunan sa kaniya noong bata pa siya nang wala siyang kaalam alam. Pagkakita iyon ni Hyacinth, parang bumabaliktad na ang sikmura niya.Hindi iyon maituturing na regalo kagaya ng sinasabi ni Lola Elizabeth. Ibinigay iyon kay Hyacinth para... takutin siya. At ang nakakainis, epektibo ang planong iyon ni Romeo."Ano iyang ibinigay niya sa iyo? Pweden
SA KOMPANIYA NI LEO, busy siya sa pagbabasa ng ilang mga importanteng dokumento. Nandoon din ang kaibigan niyang si Rui na hindi niya alam kung anong nakain at bigla itong bumisita sa kaniya ngayon.Uminom sa tasa ng kape si Rui at umuklo kaunti at pinagsalikop ang kamay sa harap ni Leo. "Dude, kailangan ko ang advice mo..." saad bigla ni Rui.Bahagyang natigilan si Leo pero hindi niya ipinahalata at nagpakabusy pa rin sa ginagawa. Parang alam na niya kung anong klaseng advice ang hinihingi ngayon ng kaibigan niya."Anong klaseng advice ba ang kailangan mo? Tsaka... bago iyan, ah? Parang paeasy easy ka lang, eh. Hindi mo kailangan ng advice," nakangising sambit ni Leo, bahagyang inasar ang kaibigan."Seryoso kasi, dude!" ani Rui at tila batang nagtatampo at kulang na lang ay magpapadyak sa sahig.Kumunot ang noo ni Leo. "Oo na. Tungkol saan ba?" tanong niya.Bumuntong hininga si Rui. "Paano ko kaya makukuha ang loob ni Hyacinth?" tanong nito.Doon natigilan si Leo. Hindi niya alam ku







