Dasha POVPagkatapos naming kumain sa luxury coffee shop, akala ko ihahatid na niya ako sa bahay nila Elco.Busog na busog ako dahil pinilit kong ubusin ‘yung napakamahal na pasta. Aba, dapat lang, ako ang nasasayangan, e.Hanggang ngayon, parang hindi pa rin ako maka-move on sa halos sampung libong bill para sa kape at pasta.“Oh, ano, para kang bundat ngayon. Sabi nang huwag mo nang ubusin ‘yung pasta, e,” natatawa niyang wika sa akin.Umirap lang ako. “Masarap kaya, sayang naman,” sabi ko na lang.In-start na niya ang engine ng sasakyan. “Ano, tara na sa condo ko?”Napalingon agad ako sa kanya. “Oo nga pala ano?” na-excited ako bigla.“Tambay muna tayo roon, saka para makita mo na rin condo ko.”“Grabe, totoo nga palang may condo ka rito sa Manila.”“Oo, mayroo nga.”Curious talaga ako. Kasi sa totoo lang, pakiramdam ko hindi ko pa lubos kilala iyong rich kid side ni Ryuji. Mas kilala ko siya sa probinsya kaysa rito sa city. Dito kasi sa city ay parang bago siyang tao, parang hind
Magbasa pa