Elco POVBusy ang lobby noong araw na iyon. Halos sunod-sunod iyong VIP arrivals, may mga foreign guests, may conference event pa sa function hall, at halos hindi ako mapirmi sa opisina ko dahil maya’t maya may kailangang asikasuhin. Pero sanay na ako roon. Actually, mas gusto ko ngang busy. Kaya lang, nakukunsensya ako sa tuwing gustong makipag-videocall ni Dasha. Free time siya, pero ako naman ay hindi. Mabuti na lang at naiintindihan niya ako. Sa gabi kasi, kinukuwento ko sa kaniya kung gaano ako ka-busy kapag nasa work. Kaya kapag tinatawagan niya ako at hindi ko masagot, alam niyang super busy ako kaya hindi na niya uulitin pang tumawag.“Sir Elco,” tawag ng receptionist habang lumalapit sa akin. “Your signature po for the executive reservation.”Tinanggap ko agad iyong folder. “Thanks.” Pagkapirma ko, naglakad agad ako papunta sa VIP lounge para tingnan kung maayos lahat.Tahimik at elegante iyong area. Dapat lang. Saka dito, soft piano ang eskena ng music, tapos ‘yung tipong ma
Read more