Ryuji POVAlas dos ng madaling-araw nang bigla akong magising. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa wine. O baka dahil nakatulog akong hindi gaanong umiinom ng tubig.Pagmulat ko ng mga mata ko, madilim pa ang buong master bedroom ko. Napabuntong-hininga ako habang bumabangon mula sa kama.Pakiramdam ko ay tuyong-tuyo ang lalamunan ko.“Eto ang ayaw ko kapag umiinom ng wine, e,” bulong ko sa sarili ko.Dahan-dahan akong bumaba ng higaan at naglakad papunta sa mini kitchen area ng kuwarto ko. Isa sa mga bagay na gusto ko sa penthouse ay hindi ko na kailangang lumabas ng kuwarto kapag may kailangan ako. May sariling coffee machine, may mini refrigerator, may water dispenser, at kung anu-ano pa.Pagkatapos kong makainom ng malamig na tubig, pakiramdam ko medyo nagising ang diwa ko. Pero imbes na bumalik agad sa pagtulog, napaupo muna ako sa sofa. Tahimik ang buong penthouse dahil tulog ng ang lahat. Isa pa, bakit hindi tatahimik e, nasa pinaka-itaas ang penthouse ko.Habang nakating
Read more