HERA POV Alas-siyete pa lang ng umaga pero ramdam ko na ang init ng kape sa dulo ng dila ko habang naglalakad papasok sa Vanderberg Investments. Dito sa Singapore, parang lahat ng tao ay laging nagmamadali. Naka-short bob cut na ako, suot ang isang charcoal gray na blazer na binili ko sa Orchard Road noong isang araw. Simple lang, pero pakiramdam ko ay proteksyon ko ito laban sa mapanuring mata ng mga tao rito. "Good morning, Architect Valeriano," bati ng receptionist. "Good morning," sagot ko nang may tipid na ngiti. Medyo nakakapanibago pa ring marinig ang "Architect" bago ang pangalan ko. Sa Manila, madalas ay "Mrs. Valeriano" lang ang tawag sa akin, o kaya naman ay "Hera" lang ng mga staff ni Jaxen. Pag-akyat ko sa ikalabing-limang palapag, bumungad sa akin ang isang open-plan office na puno ng glass walls at modernong kasangkapan. Nakita ko agad si Liam sa dulo, nakatayo sa tabi ng isang malawak na drafting table habang kausap ang isang matangkad na lalaki. "Hera, you're ear
閱讀更多