HERA POV "Hera, stop looking at the door. I added two more guards sa labas ng floor mo," sabi ni Liam habang inilalapag ang isang baso ng mainit na gatas sa harap ko. Nasa loob kami ng apartment ko sa Singapore. Gabi na, pero pareho kaming hindi makatulog. Ang card mula kay Mark ay nakapatong pa rin sa coffee table, tila isang bombang naghihintay sumabog. "Hindi ko lang maintindihan kung paano nila nalaman ang address ko, Liam. Bago ang lahat ng records ko rito. Kahit ang security sa lobby, dumaan sa background check," sagot ko, pilit na pinapakalma ang panginginig ng boses ko. "Mark has connections, Hera. Huwag nating kalimutan na bago siya naging stepbrother mo, galing siya sa pamilyang sanay sa ganitong laro. And with Roberto as the new interim CEO of Sarmiento Group? They have the resources." Kinuha ko ang baso pero hindi ko ininuman. Tinitigan ko lang ang usok na lumalabas dito. "Jaxen called again. Sabi niya, may plano raw silang i-sabotage ang New City Project. Kaya ba sil
閱讀更多