HERA POV Katapusan ng buwan. Ito ang unang pagkakataon na magpapasweldo kami rito sa Manila office. Nakaupo ako sa tapat ng laptop ko, chine-check ang payroll summary na ipinadala ni Chloe. Kahit digital na ang lahat ngayon, may kakaibang pakiramdam na makita ang mga pangalan nina Kyle, Monica, at pati na rin si Mang Cardo sa listahan ng mga taong nabubuhay dahil sa kumpanyang itinatayo namin. "Hera, na-approve ko na 'yung transfer sa bank portal. Maya-maya lang, magno-notif na 'yan sa kanila," sabi ni Liam habang lumalapit sa desk ko, may dalang baso ng iced coffee. "Salamat, Liam. Ang bilis ng isang buwan, 'no? Parang kailan lang, nag-aayos pa tayo ng mga silya rito," sagot ko habang isinasara ang payroll file. "True. At tingnan mo sila," turo ni Liam sa labas ng glass partition ng office ko. Sina Kyle at Monica ay seryosong nag-uusap sa tapat ng isang malaking monitor. May hawak na ruler si Kyle habang itinuturo ang isang detail sa CAD drawing. Si Monica naman ay panay ang tan
閱讀更多