HERA POVPagbaba ko pa lang ng sasakyan sa harap ng aming mansyon, ramdam ko na ang bigat ng hangin. Ang bahay na dati ay pinangarap kong mapuno ng tawanan ng isang pamilya, ngayon ay tila isang malaking kabaong na lang na gawa sa semento at salamin.Dahan-dahan akong naglakad papasok, bitbit ang maliit na bag na may lamang mga gamit ko mula sa ospital. Sumasakit pa rin ang mga tahi ko, pero mas masakit ang bawat hakbang ko palapit sa pintong iyon."Hera, you’re home," bungad sa akin ni Jaxen. Nakatayo siya sa foyer, may hawak na baso ng scotch kahit tanghaling tapat."I am," tipid kong sagot. Hindi ko siya tiningnan. Dumiretso ako sa sala, pero napatigil ako nang makita ang isang pamilyar na bulto na nakahiga sa paborito kong sofa.Si Bianca. Nakasuot siya ng isa sa mga silk robes ko, may ice pack sa ulo, at napapalibutan ng mga unan na ako mismo ang pumili para sa bahay na ito."Oh, Hera! You're back! I’m so sorry, hindi ako nakadalaw sa 'yo sa kabilang ward," malambing na sabi ni B
Last Updated : 2026-03-24 Read more