HERA POVSumalubong sa amin ang amoy ng semento at bagong lagaring kahoy pagpasok namin sa 15th floor. Hubad pa ang mga pader at nakalawit pa ang mga wires sa kisame, pero sa isip ko, nakikita ko na kung saan ilalagay ang reception desk, ang drafting tables, at ang mini-lounge para sa team. Malawak ang space, at dahil corner unit ito, halos buong BGC ang tanaw sa labas ng malalaking glass windows.“Architect, ito na po ‘yung updated layout na pinag-usapan natin last week,” sabi ng foreman na si Mang Nardo, sabay latag ng blueprint sa ibabaw ng isang tumpok ng mga sako ng semento.Lumapit kami ni Liam. Tiningnan ko nang maigi ang bawat linya. “Mang Nardo, ‘yung electrical outlets dito sa gitna, i-move natin ng kaunti. I want this area to be a collaborative space, baka maging tripping hazard kung masyadong malayo sa tables.”“Copy po, Ma’am. I-adjust namin ‘yan bukas bago itakip ‘yung flooring,” sagot ni Mang Nardo habang nagsusulat sa kanyang notebook.“And the pantry, Hera,” singit ni
閱讀更多