HERA POV "Besh, huwag kang malikot! Masisira 'yung eyeliner mo, sige ka," saway sa akin ni Chloe habang maingat niyang inaayusan ang mukha ko. Nandito kami sa unit ko. Sabado ng gabi at ito na ang Annual Architecture Awards. Kanina pa ako hindi mapakali habang nakaupo sa harap ng vanity mirror. Nakasuot na ako ng isang simple pero eleganteng beige na terno—modern ang cut, hindi masyadong matigas ang manggas, at saktong-sakto ang lapat sa katawan ko. "Kinakabahan lang kasi ako, Chloe. Isipin mo, kailan lang tayo nagsimula, tapos ngayon nasa awards night na tayo kasama 'yung malalaking firm sa bansa," sabi ko habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. "Ano ka ba? You deserve this. 'Yung Laguna project pa lang, blockbuster na. Plus, everyone is talking about your sustainable designs. Relax ka lang, okay? You look stunning," pagpapakalma niya sa akin bago niya inilapat ang huling dampi ng lipstick. Maya-maya, tumunog ang intercom. "Ma'am Hera, nandito na po si Sir Liam sa lobby," s
閱讀更多