HERA POV Alas-sais pa lang ng umaga, nasa lobby na kaming lahat. Medyo maga pa ang mga mata ni Monica, at si Kyle naman ay nakasandal sa pader habang nakapikit pa rin, pero kompleto na ang gamit namin. Mas marami kaming dalang flashlights ngayon, plus extra batteries at safety ropes na ipinahiram ng hotel security. "O, gising na lahat? Breakfast muna tayo bago bumiyahe. Mahaba-habang akyatan uli 'to," sabi ni Liam. Naka-cargo pants siya at asul na dry-fit shirt, mukhang ready na ready na talagang pumasok sa kuweba. "Sir, may dala po kaming ziplock bags para sa mga samples ng bato, kung sakaling kailanganin," ulat ni Enzo habang inaayos ang strap ng kanyang backpack. "Good. Tara, kain muna." Pagkatapos ng mabilis na buffet breakfast, sumakay na kami sa van. Mas tahimik ang biyahe ngayon kumpara kahapon. Siguro dahil alam na namin ang hirap ng daan, o baka dahil lahat kami ay iniisip kung ano ang bubungad sa amin sa loob ng kuwebang iyon. Pagdating sa site sa Balamban, mas pr
閱讀更多