로그인PAGKASAKAY ni Jeddah sa sasakyan ay kaagad niyang tinawagan si Jace. “may ginagawa ka ba ngayon? Kailangan ko ng tulong mo. handa akong magbayad kahit na—” hindi pa man niya natatapos ang kanyang sinasabi ay bigla na lang siya nitong pinutol sa pagsasalita.“Wala, busy ako.” at pagkasabi lang nito iyon ay pinatayan na siya nito ng tawag. Napakunot ang noo ni Jeddah at hindi makapaniwalang napatitig sa kanyang cellphone. Talaga bang tinatanggihan na siya nitong tulungan ngayon?Muli niyang tinawagan ang isa pa ngunit pareho lang ang sagot ng mga ito. Ayaw ba nilang magkaroon ng pera? Talaga bang tinatanggihan na nila ngayon ang grasya?Napasimangot na lang siya at pagkatapos ay itinago ang kanyang cellphone. Hindi nagtagal ay tuluyan nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng napakataas na gusali ng kumpanya ng mga Villanueva. Tuloy-tuloy siyang pumasok at sinabi niya sa front desk ang sadya niya at hind nagtagal, sinamahan na siya ng isa sa mga staff patungo sa pinakamataas na palapag ng g
PINAGHAHAMPAS ni Jasmine ang dibdib ni Nathan dahil sa galit niya. Ngunit hinawakan lang nito ang kanyang mga kamay at mas lalo pang diniinan ang paghalik sa kaniya. Halos maubusan na siya ng hininga nang sa wakas ay binitawan na siya ni Nathan.Hindi niya na nagawa pang umangal ng buhatin siya nito at pinaupo sa mesa. Ilang sandali pa ay bigla na lang siya nitong niyakap. “I’m sorry Jazz…” mahina at halos puno ng pagsisisi na sambit nito. “I am really sorry…” paghingi nito ng paumanhin sa kaniya.Mas lalo lang tuloy umagos ang luha mula sa kanyang mga mata at mabilis naman nitong pinunasan iyon. “Huwag ka ng umiyak please… papalitan ko na lang ang bracelet mo okay?” Pagkasabi nito iyon ay dinukot nito ang cellphone sa bulsa. May pinindot ito doon kaso ay hindi na niya ito pinansin pa. Tinabig niya ang kamay nito at sinubukang bumaba mula sa mesa. “Pwede ba sir na hayaan niyo muna ako please?” pagkasabi niya nun ay itinulak na niya ito at bumaba siya sa mesa tyaka lumas ng hindi na i
LUMABAs si Nathan pagkatapos ng ilang sandali at mabilis nila itong sinundan ni Sally. Samantalang si Yvonne namay ay nagdala ulit ng panibagong kape sa tatlong nasa conference room noong mga oras na iyon. Habang naglalakad sila ni Sally at pinupuri siya nito dahil sa ginawa niya. Sino nga ba naman ang mag-aakala na gagawin niya iyon hindi ba?Ipinabago sa kaniya ni Nathan ang kontrata na mabilis niya namang ginawa. Pagkatapos niya itong gawin ay bumalik siya s a opisina ng lalaki at sabay-sabay silang tatlo nila Sally na bumalik sa conference room para tuluyang mapirmahan na ang kontrata.Nang matapos ay nagpaalam na rin para umalis sina Mr. Ross at pagkaalis ng mga ito ay kaagad siyang tinawag ng lalaki sa opisina nito. “You did an impressive job there.” hindi niya alam kung ituturing niya ba iyong compliment o ano dahil kung siya ang tatanungin, baka mamaya ay puno lang pala iyon ng panunuya. Baka mapahiya pa siya kung isipin niyang medyo na-amazed nga ito sa pinakita niya.“Do you
PAGKATAPOS ihatid ni Jasmine si Diane ay nagpababa siya kay Vincent sa coffee shop malapit lang sa kanilang kumpanya at bumili ng sandwich at kape para sa kanilang dalawa ni Vincent. Paglabas niya ay inabot niya lang ito rito at mag-isa na siyang naglakad patungo sa kumpanya. Ayaw niyang magkaroon ng kung ano-anong balita kapag nakita sialng magkasama nito.Medyo maaga pa noong dumatiing siya sa kanilang opisina kaya naupo muna siya sa kanyang mesa. Habang nagkakape at kumakain ng sandwich ay binasa niya ang kontrata na iniwan ni Mr. Ross kahapon. Kaagad niyang napansin ang pagkakaiba ng nilalaman ng dalawang kontrata. Ang isa kasi ay nakasulat sa English at ang isa naman ay sa Italian language.Napakunot tuloy ang noo niya ng wala sa oras. Ang nilalaman ng kontrata ay magkaibang magkaiba at tiyak na makakaapekto ito sa kumpanya kapag hindi nakita ni Nathan lalo na at hindi pa nito iyon pinipirmahan. Habang napapaisip ay biglang dumating si Nathan na may hindi maipintang mukha kaya sa
NGUNIT katulad kanina ay hindi pa rin siya nito hinayaang makalayo. Mabilis siya nitong muling hinila at isinandal sa pader habang hawak nito ang magkabila niyang mga braso. “Sabihin mo akin, anong gusto mo? Ibibigay ko basta patawarin mo lang ako.” Sinubukan ni Jasmine na makawala mula sa pagkakahawak ng lalaki ngunit mas lalo lang naging mahigpit ang hawak nito sa kaniya na para bang ayaw siya nitong pakawalan. Sa huli ay wala na siyang nagawa pa kundi ang tumingala at sinalubong ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.“Wala akong ibiang gusto kundi ang tigilan mo na ako.” diretsa niyang sagot dito. Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang mga braso.Bukod pa doon ay naging matalim na ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “Huwag mo akong galitin Jasmine…” halos umigting ang mga panga nito sa galit. Hindi niya alam kung ano bang mali sa sagot niya samantalang iyon naman ang sagot na dapat sa uri ng tanong nito. Sinagot niya lang ang tanong nito.Ngunit kahit na na
HABANG kumakain ang lahat ay patuloy naman sa pakikipag kwentuhan si Nathan kay Mr. Ross habang umiinom. Panay ang salin ng alak nito sa baso ni Nathan na wala namang katanggi-tanggi. Samantalang si Jasmine, kahit na isang baso lang ang nasa harap niya ay hindi niya pa rin ito ginalaw dahil ayaw niyang malasing.Pagkatapos nilang kumain ay halos pulang-pula na rin si Mr. Ross at halos hindi na makapagsalita pa ng maayos. Namumungay na rin ang mga mata nito kaya kaagad na tinawagan ni Jasmine ang driver na maghahatid sa mga ito sa hotel na tutuluyan ng mga ito kasama ang secretary. Pero ang interpreter ay hindi sumama sa mga ito at ngumiti lang ito sa kaniya. “I have something to do so I’ll stay here for a while.” ngumiti lang siya rito.“Enjoy yourself Miss Peterson.” nauna itong pumasok sa kaniya.Ilang minuto pa siyang anatili sa labas dahil sinuguro niya munang nakaalis na sina Mr. Ross at gusto niya munang masiguro na nakarating na ang mga ito sa hotel bago niya planong bumalik s
MATALIM ang mga matang tiningnan niya si Nathan. “Anong klaseng rules ito?!” hindi niya na napigilan pang mapasigaw. Kahit na boss niya pa ito ay wala na siyang pakialam pa dahil hindi niya akalain na aabot sila sa ganito.Sa halip na sagutin siya ay isang ngiti ang dahan-dahang sumilay sa mga labi
NANG marinig ni Cedric ang pangalan ng lalaki ay hindi siya makapaniwala. Nathan Cruz, siya lang naman ang tycoon na may bilyong ari-arian. Samantala, halos mahulog na mula sa mga paa ni Jasmine ang suot niyang sapatos dahil hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin binibitawan ni Nathan. Nilay
ISANG malamig na boses ang narinig ni Sally at Jasmine mula sa itaas dahilan para sabay silang mapalingon. Bakas ang pagkagulat sa kani-kanilang mga mukha dahil hindi nila akalain na naroon pala ang kanilang boss. Hindi ba at dapat itong nasa opisina nito ito? Bakit naroon ito? Dahil dito ay hindi
DAHAN-dahang napatingala si Jasmine nang marinig niya ang boses na iyon. Nakatitig sa kaniya ang isang pares ng mga matang maiitim at halos hinid mo mabasa ang anumang ekspresyon na nakapaloob sa mga ito. Halos matulala siya nang muli niyang makita ang gwapo nitong mukha kung saan ay parang nilil







