Spare Love Jerome POV Pumunta agad ako sa hospital pagkatapos kong puntahan ang kumpanya ko, para makita si Dianne. Sabi ng mga co-doctors niya, nasa cafeteria daw siya kumakain. Pagdating ko doon, nakita ko siyang kumakain pa rin. Pero parang nainis siya—nakalimutan niyang magdala ng tubig. Buti na lang may dala akong boy scout, kaya handa na ako. Lumapit ako agad sa mesa niya at inilapag ang tubig, gatas, at juice—para may pagpipiliian siya. Tumingin siya sa mga inilagay ko. “Wala bang ibang flavor tong juice mo? Ayoko sa orange, mas gusto ko yung apple juice,” sabi niya, nakatingin sa ref ng cafeteria. “Sige, Mommy, bibili kita,” sagot ko. Pumunta agad ako sa ref, kaso mahaba ang pila. Ayoko naman gamitin ang pagiging boss ko, pero nauuhaw na si Dianne. Kaya dumiretso ako sa ref—babayaran ko na lang mamaya. “Jerome! May pila ah! Pumila ka!” sigaw niya, halatang winawarningan ako. “Pero nauuhaw ka na,” sagot ko sa kanya. “Basta pumila ka! Pag di ka pumila, hindi ko ii
続きを読む