Spare Love Dianne POV Masigla akong pumasok sa kwarto ni Matilde, alam kong nandoon si Jerome. Nginitian ko silang dalawa at magalang na bumati. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Jerome sa aking ginawa. Anong iniisip niya—magpapakita ako ng kalungkutan? Pwes, handa na ako sa lahat ng iyon. "Good morning po, Dra. Beauty," bati sa akin ng nurse na naka-duty kay Matilde. Ibinigay niya sa akin ang chart ni Matilde, kumpleto at maayos ang lahat ng detalye. "Ah, Dra. Blooming kayo ngayon, ha! Nakita ko po kayong kasama kaninang madaling araw si Dr. Raymond sa isang sikat na hotel," bungad ng nurse, medyo may kuryosidad sa tinig. Nginitian ko lang siya at pinapasimple ang sagot. "Shhh… wag masyadong maingay," sinabing may kinditan. Lumapit ako kay Matilde. "Ms. Matilde, I'm glad bumababa na ang blood pressure mo. Continue lang natin ang mga kailangan—ang diet mo at ang maintenance na gamot—hanggang sa makapanganak ka. Good morning," wika ko. Tumingin si Jerome sa akin, halatang
続きを読む