Spare Love Dianne POVSabay kaming pumasok ni Mila ngayon at sobrang traffic, kaya maaga kami nakarating—para hindi malate sa duty. Dahil kay Mila, natutunan kong maging maagap sa pupuntahan ko, lalo na sa trabaho." Dra, lahat ng mga kagaya mo na may ganyang trabaho, may sariling kotse, magandang bag… pero bakit ikaw wala?" tanong niya habang abot ang bayad. "Hindi naman siguro sa wala kang pera, kasi limang taon na tayong magkasama pero di ko pa rin nakita kang nagipit. Bayad po, dalawa, Manong!"Napangiti lang ako sa mga sinasabi niya kapag ganito siya. "Wala ka ding marangyang cellphone," dagdag niya, sabay titig sa akin."Maayos pa naman 'to," sabi ko, pinakita ang de-keypad kong cellphone bago ito ipasok sa bulsa."Eh kaya mo naman sigurong mag-iPhone o kahit Android na lang! Bakit di na lang yon, Dra., ang bilhin mo?" Umikot ang mga mata niya na parang may iniisip. "Papaano naman kasi palagi ka na lang tumutulong sa mga pasyente… ayaw mo bang yumaman?"Umiling lang ako, ubo
続きを読む