DIANNE POV " Ang apo ko!” Halos tumakbo si Mamita papalapit sa amin, sobrang tuwa at pananabik. NiYakap niya si Jerome at hinalikan sa pisngi.“Na-miss ko naman ang paborito kong apo!” masayang sambit niya habang tinitingnan kami." Yari tayo pag narinig ni Vanessa at Victor yan, Mamita! Magtatampo ‘yon!” Natatawa si Jerome habang hinahalikan si Mamita niya, at ngumuso rin ito sa kanya.“Tatlo kayong apo ko. Kapag sila ang kaharap ko, paborito ko naman sila!” sabay na tawa nilang dalawa. Tatlo lang silang magpipinsan: sina Vanessa at Victor, magkapatid na kambal, pero mas matanda si Victor. Si Jerome naman ay nag-iisang anak at wala nang magulang, kaya si Mamita ang nagpalaki sa kanya.Nabaling ang tingin niya sa akin at biglang naging seryoso ang mukha niya. May bago pa ba?Ganyan siya sa akin mula pa noon. Feeling ko nga ayaw niya sa akin dahil hindi daw kami bagay ni Jerome—mas bata daw ako. Luh! Dalawang taon lang ang pagitan namin.“Good evening po, Mamita,” bati ko, pinipilit n
続きを読む