Spare Love Jerome POV Mabilis akong nakarating sa mansion ni Mamita, halos hindi ko na maalala kung paano ko napunta doon sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko ng sasakyan. Ang tanging nasa isip ko lang ay si Dianne—kung nasaan siya, kung ano na ang kalagayan niya, at kung buhay pa ba siya. Alam kong nasa kaniya si Dianne, walang ibang kukuha at may motibo ng pagkawala niya kundi si Mamita lang. Sa dami ng taong pwedeng gumawa nito, siya lang ang may sapat na dahilan at kapangyarihan para gawin iyon. Pagdating ko sa loob ng gate ay hindi ko na inayos pa ang pagka parada ng sasakyan. Basta ko na lang iyon iniwan sa gitna, hindi ko na inintindi kung maayos ba o hindi. Hindi na mahalaga ang kahit ano ngayon. Mabilis akong pumasok sa living room, halos pabigla ang pagbukas ko ng pinto. Naabutan ko si Mamita at si Manang na masayang nag uusap habang umiinom ng tsaa. Parang wala lang sa kanila ang nangyayari. Parang normal lang ang lahat. " Ang mahal naming apo, bakit ka napasyal di
Read more