Sa kalagitnaan ng gabi, pilit na iminulat ni Clara ang kanyang maga at mabibigat na mata. Sobrang dilim, nakahiga siya sa loob ng isang mainit at nakakasakal na van. Umaalog ang sasakyan, at mula sa labas, may naririnig siyang mga nag-uusap na lalaki habang humihithit ng sigarilyo.“Nasaan ako?” sa isip niya. Sinubukan niyang gumalaw, pero parang binibiyak ang mga buto niya. Bawat pasa mula sa bugbog na inabot niya kina Chloe ay humahapdi at kumikirot."Sabi ni President Arguijo, dito raw i-drop ang package, yung kabilang team na bahala mag-handle sa kanya.""Ganyan ba? Tsk. Masyadong maputi at makinis 'tong babaeng 'to. Kakayanin ba niya rito?""Pakialam ba natin? Sabi ng kampo ni Sir Arguijo, i-deploy siya sa black coal mine bilang laborer. Huwag niyong bigyan ng special treatment ah, baka malagot tayo. Sundin lang daw ang patakaran ng minahan. Tsaka kulang sa tao ang minahan ngayon eh.""Sabagay. Sige, pagdating natin doon, iturn-over mo agad kay tanda!""Kopya. Wag mong kalimutan
続きを読む