Sa loob ng isang private lounge sa BGC, nakaupo si Minerva sa isang velvet couch, humihigop ng mamahaling tsaa habang pinapanood sa tablet ang mga ebidensyang ipinadala ni Clara sa kanya. Isang nakakakilabot na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi."Sabi na nga ba…" mahinang bulong ni Minerva habang ang mga kuko na may pulang nail polish ay marahas na nag-swipe sa litrato ni Riona sa screen. Ang mga mata niya ay punong-puno ng pandidiri at pang-iinsulto."Nagsa-santi-santita ang bruha. Feeling high and mighty, pero deep inside, isa lang pa lang desperadang kabit na hindi maka-move on sa ex niya. Habang nakakapit sa pamilya Arguijo, patuloy pa rin ang paghahabol sa nakaraan, gumagamit pa ng bagong lalaki para pagselosin ang ex niya. Ganyan ka ba ka-cheap, Riona? Sa tingin mo, babagay ka sa pamilya namin?!"Para kay Minerva, ang mga dokumentong ito ay isang regalo galing sa langit.Anong karapatan ng isang babaeng may napakaduming nakaraan na maging susunod na Reyna ng pamilya nila? A
Read more