Sa buong maghapon, naging perpekto ang performance ni Riona sa trabaho. Nagkaroon sila ng back-to-back meetings, nag-present sa mga international clients at mas naging mabilis ang mga desisyon niya.Pero napansin ni Agnes na nawala ang totoong ngiti nito. Tumatawa si Riona kapag nagbibiro ang mga ka-opisina, pero matigas at walang buhay.Pagsapit ng gabi at uwian na. Habang isa-isang umaalis ang mga tao sa opisina, nilapitan ni Agnes ang kaibigan na tutok pa rin sa monitor nito."Riona, tapos na ang work natin. Tara na, may bagong bukas na resto diyan, kain tayo," pag-aya ni Agnes, sinusubukan pagaangin ang pakiramdam ng dalaga.Tumingin si Riona sa kanya, "Pass muna ako, Agnes. Kayo na lang muna. Tatapusin ko lang 'tong mga sketches at kapag natapos ako, susunod na lang siguro ako sa inyo.""Pero—""Okay lang ako," putol ni Riona, "Gusto ko lang pagandahin 'tong designs. Importante ang project na 'to sa'tin, 'di ba?"Sumandal si Agnes sa door frame. Pinagmasdan niya ang seryosong muk
Mehr lesen