Mabilis na pinaandar ni Magnus ang kotse niya. Puno ng poot at kaba ang nararamdaman niya habang pilit na hinahabol ang itim na sasakyan nina Wyeth.Ang mga salita ng lalaki ay parang mga lason na patuloy na sumisira sa utak niya. Si Riona ang benefactor niya? Si Riona? At si Carcar, hindi niya tunay na anak? Kahit pilit niyang itinatanggi, may maliit na boses sa isip niya na nagsasabing, ‘Paano nga kung totoo?’Nang huminto sila sa isang red light malapit sa intersection, pasimpleng luminga si Magnus sa labas. At doon, sa gilid ng kalsada, isang pamilyar na bulto ang nakita niya pababa ng isang taxi.Si Riona, mukhang kakatapos lang nito sa meeting kay Mr. Lim at papasok sa isang kilalang restaurant.Kumabog ng napakalakas ang dibdib ni Magnus. Hindi pwede! Hindi pwedeng makita ni Riona ang sasakyan niya na kasama niya si Clara! Ang alam nito ay nasa opisina siya at naghihintay lang sa dalaga!Sa isang mabilis at delikadong galaw, kinabig niya ang manibela at ipinarada ang sasakyan s
อ่านเพิ่มเติม