Tinitigan ni Riona ang lalaking nasa harap niya. Nakikita niya ang pag-aalala at kaba sa mga mata ni Magnus pero sa halip na matunaw ang puso niya, isang mapanuyang ngiti lang ang sumilay sa labi niya.“Nakakatawa,” isip-isip ni Riona. Dati, noong patay na patay pa siya rito at handang ibigay ang lahat, palaging trabaho at ego nito ang nauuna. Pero ngayon, ngayong tinanggal na niya ang puso niya sa relasyong 'to at puro negosyo na lang ang pinag-uusapan nila, bigla itong natatakot na iwan niya? Siguradong-sigurado si Riona. Ang pag-aalala ni Magnus ay hindi dahil mahal siya nito. Natatakot lang itong mawalan ng katuwang na kayang mag-akyat ng milyon-milyon sa kumpanya.Natatakot itong mawala ang halaga niya bilang isang asset ng kompanya. Knowing na marami siyang naiambag sa kompanya nila. Ha! "Magnus, mag-usap nga tayo ng maayos," kalmadong panimula ni Riona, "Kung magkakasundo man tayo ngayon gusto ko yung tahimik na buhay at wala ng away. Iyon ang gusto ko, at isa pa may hihiling
Última atualização : 2026-04-11 Ler mais