Eksaktong ihahanda niya na sana ang pangatlong tasa niya ng kape para hindi makatulog nang biglang mag-ring ang phone niya. Bumuntong-hininga si Clara nang makitang si Andrea ang tumatawag. "Oh, Andrea, napatawag ka?""Clara! Puta, hulaan mo kung sinong nakita ko rito sa Elite Business Conference sa Cebu ngayon lang?!" Mabilis, natataranta, at puno ng gulat ang boses ni Andrea. "Nakita ko 'yung ex ni Magnus! 'Yung babaeng patay-gutom na kinukwento mo sa akin noon!"Napahigpit ang hawak ni Clara sa phone. Parang tumalon ang puso niya pero mabilis din siyang tumawa ng sarkastiko."Baliw ka ba, Andrea? Kulang ka lang ata sa tulog eh! Sigurado ka bang siya 'yon? Paanong makakarating ang isang katulad niya sa isang exclusive na event sa Cebu?!" "Clara, seryoso ako! Medyo malayo ako kanina pero kabisado ko ang mukha niya! Pinakita mo sa akin 'yung picture niya dati, 'di ba?!" nagpapanic na giit ni Andrea. "At teka, hindi lang 'yon! Hindi siya nag-iisa! Kasama niya si Ezequiel Arguijo! Kil
Dernière mise à jour : 2026-04-19 Read More