Ilang minuto ang nakalipas, isang friend request ang natanggap niya sa Viber. Napakunot ang kanyang noo, gabing-gabi na sino naman ang nangahas na mag-add sa kanya?Pag-open niya, isang puting pusa ang nasa picture at sobrang cute nun. Ang pangalan na nakalagay ay ‘EA’. Napakunot siya ng noo, agad na in-accept niya ito at wala pang isang segundo, may pumasok na mensahe sa kanya. [EK: Bukas, alas-nuwebe ng umaga. Arguijo Group Tower, Building A, 10th Floor.]Napakalamig, napaka-bossy at walang paligoy-ligoy na mensahe. May hinala na si Riona kung sino ito, pero gusto niya lang makasigurado. Ang dami naman ng oras ng trilyonaryong ito. At talagang in-add pa siya at nag-chat pa sa kanya? Anong oras na ah![Noted… Pero pwede po bang magtanong kung sino 'to?]Pagkasend niya, parang multong nawala ang kausap niya. Ilang minuto rin siyang naghintay, at dahil sobrang tagal, naisip niyang baka natulog na ito. Akmang ibababa niya na sana ang phone niya para matulog nang biglang tumunog ulit
Dernière mise à jour : 2026-04-13 Read More