"Sabihin mo nga sa akin, pwede pa ba akong bumalik sa pamilya ko?" nagmamakaawang tanong ni Clara habang puno ng mga luha ang mga mata. "Kung… kung ipapa-ampon na lang natin yung anak natin, pwede na ba akong bumalik at magpakasal sa lalaking pinili nila para sa akin? Para hindi ka na rin mahirapan sa pamilya mo…""Nabaliw ka na ba?!" Napabangon si Magnus dahil sa sinabi ng dalaga. "Anak ko 'yon! Paano ko siya ipamimigay?! At tsaka, mahalaga ka sa akin, Clara! Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang iniisip mo ngayon! Nasa tabi mo na ako ‘di ba?"Bumangon din si Clara at tinitigan siya ng diretso sa dilim. "Hindi ko kasi alam kung ako pa ba talaga ang nasa puso mo, Magnus. Tignan mo nga ang sarili mo. Hindi lang nag-reply si Riona sa text mo, halos masiraan ka na ng bait! Ganyang-ganyan ka kanina! Kaba at pag-aalala na kailanman hindi mo pinaramdam sa akin. Magnus, sabihin mo nga sa akin, kailangan ko na bang umalis ngayon? Kung aalis ba ako, hahanapin mo pa ba ako? Mababaliw k
Dernière mise à jour : 2026-04-19 Read More