Hindi na bumalik si Mara sa ospital agad.Hindi rin siya dumiretso sa bahay.Sa halip—naglakad siya nang walang direksyon.Kailangan niyang huminga.Kailangan niyang mag-isip.Pero kahit anong pilit niya—hindi nawawala ang boses sa utak niya.Hindi si Rafael ang kaaway mo…Kung hindi si Rafael…Kung hindi ang pamilya nito…Sino?Huminto siya sa gilid ng kalsada.Mahigpit ang hawak niya sa phone niya.Yung unknown number.Yung boses.Yung alok.Come alone.“Trap ‘to…”Mahina niyang bulong.Alam niya.Pero kahit alam niya—hindi niya mapigilan ang sarili niya.Dahil kung may kahit maliit na chance—na malaman niya ang totoo—kailangan niyang kunin.Samantala—hindi rin mapakali si Rafael.“Sir, nawawala po si Miss Mara.”Napatingin siya.“Ano?”“Hindi na po siya bumalik sa ospital.”Nanlamig ang katawan niya.“Track her phone.”Diretso.“Yes, sir.”Sa unang pagkakataon—hindi na lang galit ang nararamdaman niya.Kundi—takot.“Mara…”Mahina niyang bulong.At sa puntong iyon—alam niya
Last Updated : 2026-04-03 Read more