Share

chapter 50

Author: jhowrites12
last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-17 22:42:30

Nangyari pa rin kahit ayaw niyang may mangyari. Pero sa pagkakataong iyon, hindi ganoong karahas ang pag-angkin sa kaniya ni Daniel. Wala din itong binitiwang masasakit na salita pagkatapos gaya ng dati. Hindi din ito lasing para may mangyari sa kanila. Ni walang protection na ginamit katulad pa rin ng dati kapag gusto nitong angkinin siya.

Pero kay Ysabella, hindi siya dapat mabuntis. Wala dapat batang magkakaroon ng ugnayan sa magulo nilang mundo ni Daniel. Kaya sa kaniyang bag, kinuha niya a
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   chapter 50

    Nangyari pa rin kahit ayaw niyang may mangyari. Pero sa pagkakataong iyon, hindi ganoong karahas ang pag-angkin sa kaniya ni Daniel. Wala din itong binitiwang masasakit na salita pagkatapos gaya ng dati. Hindi din ito lasing para may mangyari sa kanila. Ni walang protection na ginamit katulad pa rin ng dati kapag gusto nitong angkinin siya.Pero kay Ysabella, hindi siya dapat mabuntis. Wala dapat batang magkakaroon ng ugnayan sa magulo nilang mundo ni Daniel. Kaya sa kaniyang bag, kinuha niya ang isang pills at sikretong ininom iyon habang nasa banyo pa si Daniel."Walang dapat mabuo," piping saad niya.Humiga siyang muli. She felt so sore na parang hindi na siya makalakad pa. Sinulit ni Daniel ang pagkakataon. Hindi siya tinigilan hanggang sa magmakaawa na siyang tumigil ito.Pumikit siya nang biglang bumukas ang pinto at iluwa doon si Daniel. Kunwari ay tulog siya Tumutulo pa ang tubig sa buhok at katawan nito nang tumayo ito sa gilid kung nasaan siya.Nanatili siyang nakapikit. N

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 49

    "Huwag! Huwag!" Sigaw na pumailanglang sa buong silid na kulay puti. Nagsisigaw si Charlotte nang magising. Agad naman na sumaklolo ang mga nurses at binigyan siya ng pampakalma.Nang medyo kumalma na ay siyang pagdating naman ni Benjamin na tinawag ng nurse. Ibinilin niya sa mga ito na kapag nagising ang babae ay agad siyang tawagin."Charlotte..." tawag niya sa babae. Tumingin ito sa kaniya. Ang babae ay may pasa sa kaliwang mata nito. May mga sugat sa katawan dala ng abusong natamo."Benj? Benj...help me!"Lumapit siya sa babae. Hindi siya nakaiwas nang tumayo ito at yakapin siya bigla. Ang mga nurses na kasama niya ay nagsiiwas ng tingin sa kanilang dalawa na parang ang mga ito pa ang nahiya.Unang beses din kasing mangyari na may yumakap na babae kay Doctor Benjamin."Benj..." umiiyak na tawag ng babae."Shhhh, ligtas ka na," bulong na alo niya dito bago tumingin sa mga kasama. "Lumabas muna kayo. Ako na ang bahala sa pasyente," utos niya sa mga nurse na agad naman na tumalima.

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 48

    Muling uminom si Daniel hanggang sa naubos niya ang laman. So iyon ang pakilala ni Ysabella sa sarili...Kasama niya sa party. Hindi asawa o anopaman. Mapait siyang napangiti. Hindi niya alam sa sarili kung dapat ba siyang maging masaya sa pakilala nito. Iyon ang dapat pero..."Is she single?" tanong ni Mr Lee na hindi niya binigyan ng pansin. Paano, napansin niya ang paglapit ng isang lalake sa asawa ni Mr Lee. Hindi niya tinanggal ang mga mata niya kila Ysabella lalo na noong ipakilala ito sa lalakeng lumapit. Nagkamayan ang dalawa at nag-usap. Kumuyom ang kamao niya dahil sa reaksyon ni Ysabella na tila nahihiya.Ysabella's eyes were beaming with happiness kahit na may hiyang nararamdaman. Ang lalake naman is proud at mukha rin na masayang makilala ang babae. Humigpit ang hawak ni Daniel sa baso habang nasasaksihan iyon.Hinarap niya si Mr Lee."Actually, she is my w—"Naputol ang sasabihin niya nang may tumawag sa kaharap na lalake.Tinikom na lamang niya ang kaniyang bibig. Nan

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 47

    Hinila ni Ysabella ang gown niya pataas dahil nakikita ang pisngi ng kaniyang mga dibdib dahila labas ang kaniyang cleavage. Hindi naman masasabing malaswa pero hindi siya sanay kahit pa nga may ipagmamalaki siya. Inakala kasi niya noong una ay sa likod ang V style nito pero sa harapan pala. Ngayon ay naaasiwa siya habang nakatunghay sa salamin. Wala na din naman siyang ibang dalang damit at siguradong magagalit si Daniel kung hindi siya sasama dahil lang sa gown."Are you not ready yet?"tanong ni Daniel mula sa labas ng banyo. May iritasyon na ang tono nito. Sino ang hindi maiirita? Kanina pa siya roon.Nakagat niya ang ibabang labi habang sinisipat ang sarili. It looks nice to her. Her body shape was very prominent in her dress. Na-enhance nga lalo ang kaseksihan niya dahil sa v-neck na style at ang paglantad bahagya ng cleavage niya.Huminga siya ng malalim. Bahala na si batman!Muli niyang sinipat ang kaniyang make up. Maayos naman at simple. Maging ang pagkakaayos niya sa kaniyan

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 46

    Tahimik silang dalawa. Maging noong nakarating na sila sa kanilang hotel room ay walang nangiming magsalita. Tahimik na pumasok si Ysabella sa banyo para magprepara ng sarili bago matulog. Si Daniel naman ay agad na hinarap ang kaniyang laptop. Tapos na ang pamamasyal. Kailangan na niyang magtrabaho ulit. He needs to polish his presentation. Kailangan niyang mapa-oo sa project proposal ang isa sa cheabol ng Korea.Tutok na tutok siya sa kaniyang laptop nang lumabas si Ysabella sa banyo. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sofa habang kaharap ang trabaho. Sa una ay hindi niya pinapansin si Ysabella nang pumunta ito sa maliit na kusina. Kumuha ito ng tubig. Ngunit nang marinig niya ang paghila nito ng upuan ay napalingon siya dito."What are you doing? Why not go to sleep?"Muli itong napatayo nang marinig ang boses niya."Hinihintay kong matapos ka sa ginagawa mo para makatulog na ako," sagot nito.Napatingin siya sa sofang kinauupuan niya. Para makatulog? Humigpit ang pagkakahawak niya sa

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 45

    Marami pa silang mga ni-try na mga pagkain. Pero siyempre, inaalala pa rin ni Ysabella ang dapat magustuhan ni Daniel kaya ang ibang gusto niyang tikman ay nilalagpasan niya. Picky eater si Daniel. Ayaw na niyang mangyari pa ang nangyari kanina lang. Kaya ang alam niyang akya nitong kainin ang pinupuntahan niya. Gaya na lamang ng Hweori Gamja, a spiral potato na prinito at nilagyan ng spices. May grilled cheese din na nabibili at fried mandu o dumplings. Iyong safe na kainin at alam niyang mapipapaliwanag niya kung ano iyon. Ayaw naman niya kasing siya lang ang mabusog samantalang pinili nitong samahan siya.Kung puwede lang sanang hinayaan na lang siyang mag-isa. Well, pinangarap din naman niya noon ang ganito. Ang makasama si Daniel sa isang trip at mag-enjoy kasama ito. Unti-unti lang naglaho ang pangarap na iyon dahil sa mga nangyari sa kanilang mga buhay.Napatingin siya sa isang stall. Napalunok siya at napatitig. Agad lang niyang iniiwas ang tingin doon. Ayaw na niyang matakam

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status