Pasan ang bigat ng basang gabi, matagumpay na nakatapak si Nayah Contreras sa maputik na eskinita ng Barangay Silangan. Ang ulan ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak, tila nakikisama sa bigat ng bawat hakbang niya. Ang kanyang mga paa ay nanginginig na sa lamig, at ang bawat hapdi mula sa mga sugat sa kanyang talampakan ay sumisigaw ng babala, ngunit pinilit niyang maging manhid. Nilagpasan niya ang mga barung-barong na gawa sa pinagtagpi-tagping yero at kahoy, mga pamilyar na tahanan ng mga taong tulad niyang pilit ibinabangon ang sarili mula sa karukhaan.Nang marating niya ang dulo ng madilim na pasilyo, mabilis niyang kinuha ang susi mula sa sikretong bulsa ng kanyang basang gown at binuksan ang lumang kahoy na pinto ng kanyang inuupahang kwarto. Pagkapasok na pagkapasok niya, agad niyang isinara ang pinto at ibinaba ang tatlong mabibigat na trangka. Sumandal siya sa likod ng pinto, dahan-dahang napa-slide pababa hanggang sa mapaupo siya sa malamig na sahig. Doon niya lang pinaka
Last Updated : 2026-05-21 Read more