Share

Chapter 87

Penulis: Eckolohiya23
last update Tanggal publikasi: 2026-05-22 10:09:10

Lumipas ang mga oras ngunit ang bumbilya sa kwarto ni Nayah ay nanatiling nakabukas, sumasabay sa patuloy na pagngangalit ng bagyo sa labas ng kanyang bintana. Alas-tres na ng madaling-araw. Nakasalampak si Nayah sa sahig, pinaliligiran ng mga piraso ng scratch paper na pinagpunit-punit niya matapos subukang hulaan ang pattern ng encryption code. Ang kanyang mga mata ay namumula na at may maiitim na bilog sa ilalim dahil sa labis na puyat at pagod, ngunit ang kanyang utak ay tumangging magpahin
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)   Chapter 96

    Alas-diyes na ng gabi ngunit ang mga ilaw sa loob ng private study room ng mansyon ay bukas pa rin. Nakaupo si Mayor Chance De La Serna sa kanyang malaking desk, nakatutok sa screen ng kanyang laptop habang mabilis na nag-ta-type ng mga emails. Wala na itong suot na suit coat, tanging ang white long-sleeve shirt na lang na may nakabukas na tatlong butones sa itaas, nagpapakita ng kaunting bahagi ng kanyang makinis at matigas na dibdib.Sa kabilang dulo ng kwarto, nakasalampak si Nayah sa isang mahabang leather sofa. Pagod na pagod na siya. Buong araw siyang nakatayo at nakasunod sa Alkalde na tila ba isa siyang anino. Sumasakit na ang kanyang mga binti dahil sa suot niyang three-inch heels na pinilit ng lalaking ito na ipasuot sa kanya. Gusto na niyang magpahinga sa kwarto niya, ngunit malinaw ang utos ni Chance: hindi siya pwedeng umalis hangga't hindi ito natatapos sa trabaho.Isang kasambahay ang pumasok sa study room, may bitbit na isang silver tray na naglalaman ng late dinner ng

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)   Chapter 95

    Isang linggo. Isang buong linggo na ang lumipas simula nang makulong si Nayah Contreras sa loob ng Mansyon De La Serna at sapilitang maging Personal Assistant ng lalaking sumira sa buhay ng kanyang pamilya. Araw-araw, ang kanyang buhay ay umiikot lamang sa iisang nakakasakal na routine: gigising sa kwartong walang lock, magsusuot ng mga high end corporate attire na binili ng Alkalde na sadyang humuhubog sa kanyang katawan, at susunod sa bawat utos nito na parang isang asong nakatali sa isang gintong kadena.Ngunit kung inakala ni Mayor Chance De La Serna na magiging isang masunuring empleyado si Nayah, nagkamali ito nang malaki. Hindi siya lumaki sa kalsada para lang yumuko sa isang pulitiko. Kung hindi siya makakatakas gamit ang dahas, gagawin niyang isang malaking impyerno ang bawat segundo ng buhay ng Alkalde hanggang sa ito mismo ang sumuko at magpalayas sa kanya.Alas-siyete ng umaga. Nakatayo si Nayah sa loob ng malawak at modernong kusina ng mansyon. Nakasuot siya ng isang mahi

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)   Chapter 94

    Sa loob ng malawak at marangyang banyo ng master suite, nakatitig si Nayah sa kanyang sariling repleksyon sa malaking salamin. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang dahan-dahang isinusuot ang black silk nightgown na sapilitang ipinabigay sa kanya ng Alkalde.Paglapat pa lamang ng tela sa kanyang balat, naramdaman niya ang matinding lamig. Ang materyal ay napakanipis at tila ba isang pangalawang balat na nakadikit sa kanyang katawan. Ang disenyo nito ay may malalim na V-neck na nagpapakita ng bahagi ng kanyang dibdib, at ang laylayan ay may manipis na lace na umaabot lamang sa itaas ng kanyang hita. Wala itong itinatago. Sa halip na magbigay ng proteksyon, ang damit na ito ay sumisigaw ng kahinaan at pagpapasailalim. Isa itong tatak na nagsasabing pag-aari na siya ng lalaking nasa labas ng pinto.Kinuyom ni Nayah ang kanyang mga kamao at huminga nang malalim. Kailangan niyang maging matatag. Isa itong laro ng kapangyarihan at kung magpapakita siya ng matinding takot, mas lalo lang s

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)   Chapter 93

    Ang pagpasok ng luxury car sa naglalakihang bakal na gate ng Mansyon De La Serna ay tila pagbagsak ng huling rehas sa buhay ni Nayah. Sa labas ng bintana, pinagmasdan niya ang malawak na hardin na pinalilibutan ng mga nagtataasang pader at armadong gwardya. Ang buong mansyon ay nagliliwanag sa gitna ng madilim na gabi ng San Ignacio, isang higanteng istruktura ng kapangyarihan at yaman na itinayo mula sa kasakiman ng pamilya ng lalaking nakaupo ngayon sa kanyang tabi.Tahimik lang si Mayor Chance De La Serna simula nang umalis sila sa munisipyo. Ang kanyang mga mata ay nakapikit habang nakasandal sa leather seat, ngunit alam ni Nayah na hindi ito natutulog. Ang presensya ng Alkalde ay patuloy na sumasakal sa buong espasyo ng sasakyan.Huminto ang sasakyan sa mismong tapat ng malaking double door ng mansyon. Mabilis na pinagbuksan ng gwardya si Chance, na bumaba nang buong tikas bago lumingon kay Nayah na nag-aalangang lumabas."Hihintayin mo pa bang kaladkarin kita palabas?" malamig n

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)   Chapter 92

    Ang boses ni Mayor Chance De La Serna ay hindi tumaas, ngunit ang bigat at diin ng bawat salita ay sapat na upang yumanig ang mga pader ng kanyang opisina. Dahan-dahan itong lumakad paikot sa kanyang malapad na lamesa, ang kanyang mga mata ay hindi inaalis sa dalagang nakatayo sa kanyang harapan. Para siyang isang leon na nakaharang sa nag-iisang daan palabas ng gubat.Tiningnan ni Nayah ang kontrata na nakakalat ngayon sa ibabaw ng makintab na kahoy. Ang mga kondisyon na nakasulat doon ay hindi para sa isang normal na empleyado. Nakasaad doon na wala siyang karapatang lumabas ng mansyon nang walang kasamang gwardya, wala siyang karapatang gumamit ng sariling telepono, at kailangan niyang laging nasa tabi ng Alkalde anumang oras nitong naisin, kahit pa sa dis-oras ng gabi. Ito ay isang kontrata ng pagkaalipin na binalot lamang sa pormal na salitang Personal Assistant."Baliw ka ba?" nanggagalaiting sigaw ni Nayah, nawawala na ang lahat ng pagpipigil niya. "Wala akong pakialam kung Alk

  • Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)   Chapter 91

    Ang bawat hakbang ni Nayah sa loob ng naglalakihang pasilyo ng Munisipyo ng San Ignacio ay tila ba paglalakad sa ibabaw ng nagbabagang uling. Ang kanyang mga paa na binalot lamang ng manipis na tela ay nararamdaman ang matinding lamig ng makintab na marmol na sahig. Sa magkabilang gilid niya ay ang mga armadong gwardya na nakabantay na parang mga estatwang bato, walang reaksyon at walang emosyon. Ngunit ang pinakamabigat na presensya sa buong gusali ay ang lalaking naglalakad sa kanyang unahan.Si Mayor Chance De La Serna.Walang sinumang sibilyan ang nasa loob ng munisipyo sa ganitong oras ng gabi. Ang buong lugar ay pag-aari ng Alkalde, isang kuta kung saan siya ang nag-iisang diyos na nagdidikta kung sino ang mabubuhay at kung sino ang mamamatay. Nang marating nila ang dulo ng pasilyo, binuksan ng dalawang gwardya ang isang malaking double door na gawa sa purong mahogany. Ito ang pormal at pribadong opisina ng Alkalde, malayo sa vault room na pinasok ni Nayah kagabi.Pumasok si Cha

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status