แชร์

Chapter 19

ผู้เขียน: Neko Kuroha
last update วันที่เผยแพร่: 2026-04-04 09:19:52

Hindi agad nakatulog si Luna nang gabing iyon. Nakalatag sa mesa niya ang mga dokumentong binigay ni Adrian—nakabukas pero hindi niya tuluyang binabasa. Paulit-ulit lang siyang nakatitig sa parehong pahina habang nakasandal sa upuan, marahang tinatapik ang ballpen sa gilid ng mesa.

Sa labas ng bintana, tahimik ang gabi, pero sa isip niya, hindi. Non-disclosure. Public statement. Narrative control. Lahat malinaw. Lahat planado. Pero kahit anong pilit niyang intindihin, iisa lang ang bumabalik—h
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • One Night, Forever Mine   Chapter 28

    Pagbalik ni Luna sa desk niya, hindi agad siya umupo. Nakatayo lang siya sandali, hawak ang notepad, parang may hindi pa siya naaayos sa sarili niya kahit tapos na ang meeting. May kakaibang bigat sa dibdib niya—hindi naman problema, pero parang may paparating.Nag-vibrate ang phone niya. Agad niya iyong tiningnan para lang makita ang message ni Adrian. Adrian: 6:30 PM. Be ready.Napataas ang kilay niya. Agad siyang nag-reply. Luna: Ready for what?Ilang segundo ang lumipas bago dumating ang sagot.Adrian: You’ll come with me tonight. This project—tonight we could seal it.Napabuga siya ng hangin, bahagyang napailing. “Parang wala akong choice,” bulong niya sa sarili.Pagdating ng gabi, nakatayo siya sa harap ng salamin sa apartment niya. Naka-fitted black dress siya—malinis ang slit, eleganteng tingnan pero hindi sobra. She paired it with nude heels, at manipis na silver bracelet. May maliit din siyang clutch sa kamay. Hindi niya alam kung anong klaseng event ang pupuntahan niya,

  • One Night, Forever Mine   Chapter 27

    Lunes ng hapon nang mag-vibrate ang phone ni Luna habang nasa desk siya. Adrian: Conference room. 3 PM. Let’s finalize the terms. Napatingin siya sa screen ng ilang segundo, parang tinitimbang kung gaano kabigat ang “finalize” na sinasabi nito. Hindi na siya nag-reply. Sa halip, marahan niyang inilapag ang phone, saka hinila ang notepad niya palapit. “Meeting?” tanong ng katrabaho niya mula sa kabilang cubicle. “Yeah,” sagot niya, hindi tumitingin. Simple lang. Pero ramdam niya—hindi ito isang ordinaryong meeting. Eksaktong 2:58 PM, nakatayo na siya sa harap ng conference room. Hindi siya agad pumasok. Hinawakan niya muna ang doorknob, saka huminga nang mabagal. Isang beses. Dalawa. Parang kailangan niya lang ayusin ang sarili bago harapin kung ano man ang naghihintay sa loob. Pagbukas niya ng pinto, agad niyang nakita si Adrian. Naka-upo ito sa kabilang dulo ng mesa, nakaharap sa laptop. Naka-tailored navy suit ito, crisp white shirt na walang tie, at cufflinks na bahag

  • One Night, Forever Mine   Chapter 26

    Hindi agad nakabalik si Luna sa desk niya pagkatapos ng usapan nila ni Adrian.Paglabas niya ng opisina nito, diretso siyang naglakad papuntang pantry, hindi na tumitingin kung may makakasalubong. Pagpasok niya, saka lang siya huminto. Tahimik doon—walang tao, maliban sa mahina at paulit-ulit na tunog ng coffee machine sa gilid.Huminga siya ng malalim, saka sumandal sa counter at bahagyang ipinikit ang mga mata.“Okay…” mahina niyang pagkausap sa sarili. Hindi niya alam kung saan siya mas naiirita—kay Adrian, o sa sarili niya dahil hindi siya makapag-decide.Inabot niya ang baso sa tabi, nagsalin ng tubig, at inisang lagok iyon.“Ang aga mong nawawala sa pwesto mo.”Napalingon siya. Si Jenna, kakapasok lang, hawak ang tasa ng kape, nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa kanya.“Break lang,” sagot ni Luna, sabay lagay ng baso sa counter top.“From?” tanong ni Jenna, dire-diretso lang habang naglalakad papasok.Saglit siyang napatigil. “Meeting.”Tumingin si Jenna sa kanya, san

  • One Night, Forever Mine   Chapter 25

    Hindi agad nawala sa isip ni Luna ang usapan nila ni Adrian kahit nakauwi na siya. Pagpasok pa lang niya sa apartment, agad niyang hinubad ang pumps at iniwan iyon malapit sa pinto, saka dumiretso sa sofa at padaskol na umupo. Hindi na siya nag-abala pang magbukas ng ilaw. Pinikit niya ang mga mata niya sandali, pero imbes na magpahinga, mas lalo lang bumalik ang mga eksena—yung mga tingin, yung mga sagot na kulang, at yung pakiramdam na parang may hindi sinasabi si Adrian kahit ang dami na niyang sinabi. Napabuntong-hininga siya at napakagat sa labi, saka inabot ang phone niya. Saglit niya itong tinitigan bago niya binuksan ang screen. Wala. Walang bagong message. “Of course,” bulong niya sa sarili, saka napailing. She heaved a sigh. Bakit ba inaasahan niyang ite-text siya ni Adrian? Kinabukasan, pagpasok pa lang niya sa opisina, ramdam na niya agad ang kakaibang atmospera ng paligid. Hindi naman siya pinagtitinginan ng direkta, pero may mga panakaw na sulyap. May mga bigla

  • One Night, Forever Mine   Chapter 24

    Hindi agad natapos ang gabi para kay Luna kahit nakalabas na sila ng venue. Inalalayan pa rin siya ni Adrian palabas ng function hall. Ramdam pa rin niya ang mga matang sumusunod sa kanila—mga tinging hindi na kailangang marinig para maintindihan. Pagdating sa labas, bahagyang napahinga siya nang mas malalim, pero hindi rin nawala ang tensyon.Tahimik lang si Adrian habang naglalakad sila papunta sa sasakyan. Hindi rin siya nagsalita. Hindi dahil wala siyang gustong sabihin—kundi dahil hindi pa niya alam kung alin ang uunahin.Pinagbuksan siya nito sa shotgun seat pagkarating nila sa sasakyan nito. Pagkapasok niya sa loob ay lumibot si Adrian papunta sa driver's seat. Naging mas malinaw ang katahimikan nang magkatabi na sila nito sa loob ng sasakyan. Sobrang tahimik... Siya at si Adrian lang—at ang mga bagay na hindi nila masabi.Ilang minuto ang lumipas bago ito nagsalita. “You did well tonight.”Bahagyang napatingin si Luna rito, tapos bumalik din ang tingin sa bintana. “Did I?”

  • One Night, Forever Mine   Chapter 23

    Pumasok si Luna sa loob, at kasunod niya si Adrian. Ipinosisyon nito ang kamay sa kanyang baywang para alalayan siya. That move made her shiver. Iba ang epekto ng pagkakadaiti ng kamay nito sa kanyang katawan. She roam her gaze. Everyone is looking. Part of her was partially disappointed. ‘Only for the show...’Agad niyang naramdaman ang ambience ng paligid. Mas mainit ang ilaw sa loob, mas mabigat ang hangin dahil sa halo-halong pabango at alak, at ang mahihinang usapan ay parang tuloy-tuloy na alon sa paligid. May tumutugtog na jazz band sa isang sulok, nagbibigay ng mahinahong ritmo sa galaw ng mga tao. Ang bawat tingin ay parang may sinusukat—kung sino siya, saan siya lulugar, at kung bakit siya nando’n.“Stay close,” bulong ni Adrian sa kanya. Mas lalo siya nitong hinigit. At mas lalong bumilis ang pagtahip ng dibdib niya. “Is this a part of the contract too?” she whispered.Adrian smirked. “Common sense.”She rolled her eyes. Ito na ang simula ng palabas nila kahit na wal

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status