SABRINA DE VERA'S POV Ganito ang klase ng ingay na sanay na ako.. halo-halong tawanan, keyboard typing, paglipat ng papel, at sabayang reklamo ng mga taong sabay-sabay na nagsusulat pero hindi pa rin makapag-focus nang tuloy-tuloy. Nasa sala kami ng bahay. Nakakalat ang laptops sa mesa. May mga printed pages ng thesis namin na halos magmukhang gulo na sa dami ng edits. May snacks sa gilid, kape sa gitna, at mga mata naming halos puyat na pero pilit pa ring lumalaban. “Dan, hindi ‘yan APA format, ha!” reklamo ni Janice habang nakatingin sa screen niya. “Edi ikaw gumawa,” sagot ni Dan, nakangisi pa habang nagta-type. “Hoy, teamwork ‘to!” singit ni Kristoffer habang umiikot ang upuan niya. Napatawa si Janive. “Teamwork o stresswork?” Nagkaingay ulit silang lahat. Ako? Nasa dulo ako ng sofa, laptop sa kandungan, kunwaring seryoso sa ginagawa ko. Kunwari lang. “Okay, focus guys,” sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili ko. “Konti na lang ‘to matatapos natin.” “Oo n
Last Updated : 2026-04-12 Read more