ROUGE VALDERAMA'S POV (... Continuation) Muli akong uminom. Mas mabilis. Mas diretso. “Hindi ka pupunta dito galing Germany para lang kamustahin ako,” dagdag ko. “So save it and just tell me why you're here.." Natahimik siya at pinagmasda ako nang matagal. Parang sinusuri kung hanggang saan ang kaya kong itago. Then she crossed her legs. Graceful. Calculated. “I see you’ve become even more unpleasant,” sabi niya. Hindi ako sumagot. Wala akong pakialam. Sanay na ako. “I came here,” patuloy niya, “because something reached me.” Bahagya akong natahimik. Hindi ko pinakita. Pero ramdam kong may kung anong papasok sa usapan na kailanman ay ayaw kong pakialaman niya. “Something… interesting.” Napaangat ang kilay ko. Slowly. Then I leaned back. “Get to the point.” Bahagya siyang yumuko ng kaunti. Hindi nawawala ang titig sa akin. “You’re married.” I scoffed before glancing at her again. “Who told you that?” tanong ko, mahina. Ngunit may
Last Updated : 2026-05-06 Read more