SABRINA DE VERA'S POV “Finally!” halos mapasigaw si Dan habang ini-stretch ang likod niya. “Ayoko na makita ‘yang thesis na ‘yan kahit kailan.” “Same,” sabay-sabay naming sagot. Napangiti ako nang bahagya habang tinitingnan silang lahat. Pagod. Puyat. Pero masaya. “At least tapos na,” sabi ni Janice, sabay higop ng kape. “Totoo,” dagdag ni Mariel. “Kung hindi dahil sa overnight na ‘to, baka next year pa tayo matapos.” Napatawa ako. “Ang OA niyo,” sabi ko, pero hindi ko rin mapigilang ngumiti. Maya-maya, isa-isa na silang nag-ayos ng gamit. “Alis na kami,” sabi ni Kristoffer habang sinusuot ang bag niya. “Sabay-sabay na tayo,” dagdag ni Dan. Sinamahan ko sila hanggang sa gate. Tahimik ang paligid. Malamig ang hangin. “Salamat ulit, Sabrina,” sabi ni Janice bago sila tuluyang umalis. “Anytime,” sagot ko, pilit na normal ang boses. Ngumiti sila. Nagpaalam. At unti-unti silang nawala sa paningin ko. ***** Pagbalik ko sa loob ng bahay… ay tahimik na ang paligid. Iba
Last Updated : 2026-04-15 Read more