SABRINA DE VERA’S POV “Sabrina and I are already married," he said without the slightest hesitation. Dumoble ang katahimikan sa buong sala.. nakakabingi dahil sobrang lakas din ng tibok ng puso ko. At halos lumabas na ito sa aking dibdib. “…What?” mahina niyang sambit ni Daddy, hindi makapaniwala sa kanyang narinig...dahil sa hiya ay halos hindi na rin ako makatingin sa kanya nang diretsyo. Bumaba ang tingin ko sa sahig, mariing magkadikit ang labi. Hanggang sa naramdaman ko muli ang paghigpit ng hawak ni Rouge sa kamay ko. "Kakasabi mo lang sa akin kagabi na kasama mo ang anak ko...tapos ngayon? umuwi siya...kasama ka at sasabihin mo sa akin na kasal na kayong dalawa?" kunot-noong bulalas ni Daddy. Huminga ako nang malalim..at hindi ko mapigilang bahagyang idikit sa balikat ni Rouge ang katawan ko. Para bang doon ako kumukuha nang lakas upang makayanan kong harapin si Daddy. ~~~~~~ *A few hours later....* Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang maglakad papunta sa kusina
Last Updated : 2026-05-17 Read more