SABRINA DE VERA’S POV “Bye, Sabrina!” "Kita-kits ulit bukas!!!" Napangiti ako habang isa-isang nagpapaalam ang mga kaibigan ko matapos ang huling subject namin. Unti-unti nang lumuluwag ang hallway ng university habang abala ang iba sa pag-uwi, pag-uusap, at pagtatawanan. Mabigat pa rin nang bahagya ang katawan ko hindi pa tuluyang nakakabawi dahil sa ginawa namin ni Rouge. Ilang araw na iyon, pero hanggang ngayon ay masakit pa rin talaga ang katawan ko at pagod na pagod pa rin ako. At sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari sa pagitan namin ni Rouge…hindi ko mapigilang mapailing na lang sa sarili ko. That man was seriously dangerous. “Hoy, ngumiti ka nanaman diyan mag-isa,” natatawang puna ni Kristoff, kasama niya si Danive at Janice. “Iniisip mo nanaman si Mayor?” Agad akong napairap. “Manahimik ka nga. May makarinig sa 'yo mamaya eh...” natatawa kong sagot habang isinasabit ang bag ko sa balikat. Mas lalo lang silang nagtawanan. "Oy nami-miss na niya asawa niya,
最後更新 : 2026-05-19 閱讀更多