ログインAltheaHindi ako agad umalis.Nakatigil lang ako sa loob ng kotse, nakahawak sa manibela, nakatitig sa direksyon kung saan naglakad palayo si James. Tahimik ang paligid, pero parang may naiwan siyang ingay—hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng ingay, basta hindi siya nawawala.Napabuntong-hininga ako at mariing ipinikit ang mga mata ko.“Focus, Thea…”Mahina kong sabi sa sarili ko.Hindi ito importante.Hindi siya importante.Isang araw lang.Isang encounter lang.At matatapos din ‘to.Ganun lang ‘yon.Ganun dapat.Pero bakit parang hindi ganun kasimple?Bakit parang may naiwan siyang tanong sa isip ko na hindi ko kayang sagutin?Napailing ako, saka ko pinaandar ang kotse. Pilit kong inalis sa isip ko ang lahat—yung ngisi niya, yung tono ng boses niya, yung paraan niya tumingin na parang may alam siya sa’kin na hindi ko pa alam sa sarili ko.Pagdating ko sa condo, diretso ako sa kusina. Kumuha ako ng tubig at ininom iyon nang mabilis, parang umaasang mahuhugasan pati yung gulo sa u
AltheaNandito na ako sa condo ko. Umuwi din ako pagkatapos ng kwentohan namin ni Amara. Tahimik. At hindi ko alam kung anong mas nakakainis—yung katahimikan… o yung katotohanang kahit anong pilit kong i-distract ang sarili ko, bumabalik at bumabalik pa rin sa isip ko si James.Napabuntong-hininga ako habang nakahiga sa kama, nakatitig sa kisame.“Ang kulit mo sa utak ko…” bulong ko sa sarili ko, na para bang maririnig niya ako kahit wala siya dito.Nakakairita.Hindi naman kami close.Hindi rin kami matagal nag-usap.Pero bakit ganito?Never naman ako nakakaramdam ng ganito.Siguro dahil lang sa sobrang inis ko talaga sa lalaking ‘yon.Oo. Yun na lang.Inis.Kasi kahit wala na siya… parang nandiyan pa rin.Napapikit ako.At doon ko naalala yung ngisi niya. Yung tingin niya. Yung paraan ng pagsasalita niya—parang kilala niya ako kahit hindi pa kami ganon kakilala.“Observant siya…”Boses ni Amara sa isip ko.Umirap ako kahit mag-isa lang ako.“Too observant,” bulong ko.Napaupo ako
AltheaNang tuluyang magsara ang pinto at mawala si James sa paningin ko, parang biglang bumigat ang hangin sa loob ng bahay.Kanina lang, ang ingay ng paligid—halo-halong asaran at yung inis ko sa lalaking ‘yon na hindi ko maipaliwanag.Ngayon?Tahimik.Pero hindi yung klaseng tahimik na nakakapagpahinga.Kundi yung klase ng katahimikan na mas lalong nagpapakalma sa labas… pero mas maingay sa loob ng utak mo.Napabuntong-hininga ako habang pabagsak na umupo sa sofa. Nakatingin pa rin ako sa pinto na kakasara lang, parang may inaasahan akong bumalik siya bigla at magbiro ulit.“Ang kapal talaga ng lalaking ‘yon…” bulong ko, umiiling.“Sinong makapal?”Napalingon ako agad.Nakatayo si Amara sa may gilid ng sala, nakasandal sa pader, naka-cross arms, at may maliit na ngiti sa labi niya—yung ngiti na alam mong may alam siya pero hindi pa sinasabi.“Yung kaibigan mo,” sagot ko, diretso. “Bakit niya ako kilala?”Umangat kilay nito. “Ah…” mahina nitong sabi. “Naikwento kasi kita sa kanya.
Thank you so much for journeying with Ethan and Amara until the very end of this story.This story has been a long emotional ride—filled with love, pain, misunderstandings, betrayal, and healing. Ethan and Amara were never a perfect couple. In fact, they were far from it. They were broken in different ways, shaped by secrets, lies, fear, and circumstances they could not fully control. But despite everything, their story showed that even broken people can still find their way back to love when there is truth, courage, and forgiveness.Writing their story reminded me that love is never simple. It is not always soft or peaceful. Sometimes, love comes with confusion. Sometimes it comes with distance. And sometimes, it comes with pain that teaches us who we are and what we deserve.But one thing remains true—real love does not easily disappear. Even when it is buried under misunderstandings, even when it is tested by time and hurt, it still finds a way to surface again when both hearts are
Tahimik ang buong kwarto. Tanging mahinang ilaw mula sa bedside lamp ang nagbibigay ng init sa paligid. Sa labas, maririnig ang banayad na hangin—parang lullaby ng gabi na unti-unting pinapakalma ang mundo, hinahaplos ang katahimikan na matagal nang hindi nararamdaman sa bahay na iyon. Magkatabi silang nakahiga. Si Amara—nakasandal, ang ulo niya ay nakapatong sa braso ni Ethan. Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa dibdib nito, marahang nakikinig sa tibok ng puso nito, parang doon niya hinahanap ang seguridad na matagal niyang ipinagkait sa sarili. Parang bawat pintig, sinasabi sa kanya na totoong nandito siya. Totoong buhay. Totoong ligtas. At si Ethan— nakatingin lang sa kisame, pero paminsan-minsan ay sumusulyap sa kanya. Parang hindi pa rin siya makapaniwala. Na nandito na ulit si Amara. Na katabi na niya. Na buhay. Na ligtas. Dahan-dahan niyang hinigpitan ang yakap niya dito. Hindi masyadong madiin— pero sapat para iparamdam… Hindi na kita papakawalan ul
Dalawang linggo ang lumipas. Dalawang linggo ng unti-unting paggaling. Dalawang linggo ng paghilom—hindi lang ng katawan, kundi ng puso. Dalawang linggo ng katahimikan na puno ng kahulugan. Ng mga gabing magkatabi pero hindi kailangang magsalita. Ng mga sandaling sapat na ang hawak ng kamay para masabing, nandito pa tayo. Dalawang linggo ng mga luhang hindi na kasing bigat—pero dala pa rin ang alaala ng sakit. At mga ngiting pilit sa umpisa… hanggang sa unti-unting naging totoo. At ngayon— uwian na. Tahimik ang biyahe. Hindi dahil walang gustong magsalita— kundi dahil pareho silang takot sirain ang katahimikang iyon. Nakaupo si Amara sa passenger seat, bahagyang nakasandal. Maputla pa rin, mahina pa ang katawan—pero buhay. Totoo. Nandito. At ang kamay niya— mahigpit na hawak ni Ethan. Hindi niya ito binitawan. Ni minsan. Parang kahit isang segundo lang na mawala ang hawak niya— baka may mawawala ulit. “Okay ka lang?” mahina niyang tanong, hindi i







