Kapwa kami napahinto sa mainit na sagupaan ng aming mga dila nang bigla na lamang bumukas ang pinto, kaya kaagad kong binawi ang aking sarili.Pumasok ang dalawang babaeng nakasuot ng corporate office attire. Balak ko sanang tumayo mula sa kandungan ni Alistair dahil sa hiya, pero hindi niya ako hinayaan.“Stay. Hindi sila magtatagal,” utos niya na may awtoridad.Kaya nanatili na lamang ako, nakasandal sa kanya.“Good morning po, Sir and Ma’am,” sabay nilang bati na may magalang na ngiti.“Ma’am Evorie, nasa labas na po ang mga gamit ninyo. Nadala na po namin. Pasensya na po kung nangialam kami sa kotse ninyo,” paumanhin ng babaeng assistant na nagbigay sa akin ng luxury dress na suot ko ngayon.“Ah… hindi, ayos lang. Hindi na sana kayo nag-abala na dalhin ang gamit ko rito,” nahihiya kong saad habang nakakandong pa rin kay Alistair.“Ipasok ninyo ang mga gamit niya,” utos ni Alistair.Napatango ang dalawa bago lumabas upang kunin ang aking mga bagahe.“Ako ang nag-utos sa kanila na k
Última atualização : 2026-04-06 Ler mais