TALO..Talo...Talo...Halos lumuwa na ang utak ni Lucille matapos niyang matalo ng sunod sunod.Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi sampung beses!Sampung beses siyang hindi man lang siya nanalo kahit isang beses!"Ayoko na!" madiin niyang sabi. "Mukhang minamalas ako ngayon!"Tumayo si Lucille, at padabog na inusog ang upuan.Nagkatinginan ang kanyang mga kasama, matapos niyang maglakad papalayo, dala ang kanyang mga chips na papalitan sa cashier."Nasaan na ba kasi ang Bruno na yun," mahina niyang bulong. "Kanina pa siya wala ah. Tinakbuhan kaya ako ng hayup na yun?"Sa kanyang tantiysa, umabot sa sampung milyon ang natalo sa kanya. Natirahan na lang siya ng dalawampung milyon.Pero..Bago pa siya makarating sa kanyang patutunguhan, isang grupo ng kalalakihan na mga naka black suit ang kanayang nakasalubong.Akala niya, papasok lang sila sa loob, subalit nagulat siya, ng bigla siyang hawakan ng mga ito. Bago pa man siya makasigaw at makahingi ng tulong, naramdaman niya ang ka
Magbasa pa