"HINDI ibig sabihing pumayag akong makipagkita sayo, ay maayos na tayo, naiintindihan mo?" inis kong sabi kay Lionel, matapos kaming ipag book ng restaurant ni Lolo.Kung hindi lang dahil sa pagmamaoy ni Lolo, at pagsasabi ng paulit ulit na hayaan ko na lang siyang mamatay mag isa, hindi ko ito gagawin. Halos isang buwan din na ganoon ang bukambibig niya.Kung kailan kailangan ko naman ang tulong ng aking kapatid, hindi naman siya pwede, dahil alam kong abala siya at nag ienjoy sa kanilang honeymoon ni Chantal.Nakaupo ako sa isang fine dining restaurant, suot ang blue na fitted dress, habang si Lionel naman ay nakasuot ng gray na suit."Ang ganda mo ngayon, hindi niya pinansin ang aking pagtataray."Oo, maganda talaga ako ngayom, pangit ako dati, kasi nga, baboy ako.." pabalewala kong sagot sa kanya.Gumuhit ang lungkot sa kanyang mga mata. Nakakaawa, subalit hindi dapat kaawaan.Ganyan talaga ang ugali niya, kapag nakakagawa ng kasalanan.Paglapit ng waiter, nagtanong siya ng order
Mehr lesen