Maraming tao sa lugar na iyon. Pagtingin ko sa labas ng bintana, nakita ko ang mga nagniningning na ilaw, ang magagandang dekorasyon na gawa sa mga mamahaling bulaklak, at ang mga taong nakasuot ng kanilang pinakamagagandang pormal na damit. May mga ngiti sa kanilang mga labi, mga tawanan na naririnig ko kahit sarado ang bintana ng sasakyan.Hindi ako maaaring magkamali. Hindi ito sementeryo, hindi ito libing. Dadalo kami sa isang kasal.Ngunit sa halip na gumaan ang aking pakiramdam, mas malala pa sa nakakatakot na bangungot ko kanina ang nararamdaman ko ngayon. Kung kanina ay natakot ako sa isiping patay na si Eli, ngayon ay mas pinapatay ako ng ideya na makikita ko siyang ikakasal sa iba. Ang kaba sa aking dibdib ay naging mas masakit, mas matalim, parang bawat segundo ay binabali ang aking mga buto."Lolo... si-sinong ikakasal?" naguguluhan, nanginginig, at natatakot kong tanong. Halos hindi ko mailabas ang hangin sa aking baga."Si Eli," kaswal niyang sagot. Simple lang ang pagka
Magbasa pa