HABANG nasa biyahe kami ni Lionel papuntang ospital, hindi niya mapigilan ang pag-awit at pagsipol. Halatang-halata ang saya sa kanyang mukha. Kahit kulang siya sa tulog, parang mas lalo pa siyang masigla.Napatingin ako sa kanya at napailing."Mukhang masaya ka yata ngayon," puna ko.Agad niya akong nilingon. Malawak ang kanyang ngiti at kumindat pa siya."Puyat ako hanggang umaga," sabi niya. "Pero tuwing naaalala ko ang mga nangyari kagabi, lalo na kung gaano ka kagaling gumiling, hindi ko mapigilang kiligin."Bigla akong namula.Grabe talaga ang lalaking ito.Wala na yatang preno ang bibig.Hindi ako agad nakasagot."Hindi mo ba nagustuhan ang performance ko kagabi, ha, Eli?" malambing niyang tanong."Heh! manahimik ka nga diyan!" pagtataray ko sa kanya."Eli naman.. hindi ka ba nagalingan sa akin? alam mo ba, iniimagine ko iyon matagal na. Marami pa nga akong hindi nagawa sayo. Pero ikaw, ang sarap mo talaga.. HIndi ako makapaniwalang napakagaling mo lalong gumiling. Noong huling
Read more