MasukHindi ako pumayag na hindi makaganti. Hindi pwedeng umalis ako rito na talunan sa harap ng isang hamak na artistang katulad niya.Dahan-dahan kong inayos ang aking postura, pilit na pinatigas ang aking mukha, at nagpakawala ng isang malamig at mapang-asar na ngisi."Magpakasaya ka sa wedding ring na 'yan, Gia," panimula ko, ang boses ko ay puno ng kapaitan at pilit na pagmamataas. "Dahil kahit ano pa ang sabihin mo at kahit anong panlalait ang ibato mo sa akin... hindi mo mababago ang katotohanang mas matagal kaming nagsama ni Crisostomo. Ilang dekada kaming magkasama! Bago ka pa man lumitaw sa mundo niya, ako na ang kasama niya sa lahat ng bagay. May mga alaala kami na kailanman ay hindi mo mabubura o mapapantayan!"Inasahan kong mawawalan siya ng kibo. Inasahan kong masasaktan siya sa isiping may malalim na nakaraan ang asawa niya sa ibang babae.Subalit sa halip na masaktan, mas lalo pang lumakas at humaba ang tawa ni Gia—isang tawang puno ng matinding panlalait at walang-kapantay
POV: RenataHindi ako nakahuma. Nanatili akong nakatayo sa gitna ng silid habang ang buong katawan ko ay nanginginig sa matinding galit, hiya, at pagkapikon. Ang mga salita ng bastos at dukhang artistang ito ay parang mga karayom na paulit-ulit na tumutusok sa aking dignidad.Subalit habang pinagmamasdan ko ang kaniyang nakalolokong ngiti, pinilit kong kalmahin ang aking sarili. Hinding-hindi ako papayag na matalo ng isang tulad niya.Pumikit ako nang mabilis at pumasok sa aking isipan ang mga alaala namin ni Crisostomo. Bata pa lang kami, magkasama na kami. Ako ang nakakilala sa kaniya bago pa man siya naging isang tanyag na Prosecutor. Ako ang nakasama niya sa kaniyang mga tagumpay at kabiguan. Ako ang pamilya niya. Sa lalim ng aming pinagsamahan at sa haba ng mga taong nagdaan, alam kong ako at ako pa rin ang kakampihan ni Crisostomo.Matagal akong naghintay. Isinakripisyo ko ang aking kabataan at ang aking buong buhay sa pag-asang balang araw ay makikita rin niya ako bilang higit
Tiningnan ko ang nanginginig niyang katawan at ang panginginig ng kaniyang labi. Hindi ko napigilang muling humalakhak nang napakalakas habang itinuturo ang kaniyang mukha."Diyos ko, Renata!" sigaw ko habang patuloy sa pagtawa. "Tingnan mo nga 'yang mukha mo sa salamin! Para kang matandang na-stroke na hindi makapagsalita! Baka naman nakalimutan mong inumin 'yang maintenance pill mo ngayong umaga? Uminom ka muna bago ka mang-away rito, baka mamaya dito ka pa mahimatay sa kwarto namin at ako pa ang magtakbo sa iyo sa ER!"Napakislot si Renata sa matinding pagkapikon. Huminga siya nang malalim, pilit na pinakawalan ang kaniyang panginginig, at kinuha ang huling natitirang poise mula sa kaniyang katawan. Dahan-dahan siyang yumuko, pinulot ang papel na kanina pa nakabagsak sa sahig, at marahas itong idinikit halos sa mismong mukha ko."Tingnan mo 'to, ikaw na bobong babae ka!" halos isigaw niya habang itinuturo ang mga numero at medikal na termino sa papel. "Ito ang opisyal na fertility
"Wow, doktora... napakahaba naman ng monologue mo," dahan dahan at tila naaawang tugon ko habang nagpapakawala ng isang maliit na buntong-hininga. "Ilang gabi mo bang pinraktis 'yang speech mo sa harap ng salamin? Nakakaawa ka naman pala. Ang dami mong titulo, ang dami mong pera, ang taas pa ng pinag-aralan mo... pero bakit ganoon?"Inilapit ko ang aking mukha sa kaniya at ibinaba ang aking boses nang patuya."Sa kabila ng lahat ng doctorate degree at yaman mo... ako pa rin ang pinakasalan. Ako pa rin ang dinala sa safehouse. At ako pa rin ang tanging babaeng hinahawakan niya gabi-gabi habang ikaw... nakatayo lang diyan, nanggigigil at desperadang magmakaawa ng pansin ng asawa ko."Bahagya kong inayos ang aking buhok at itinaas ang aking mga kilay. "Parang sa mga teleserye ko lang 'to ah... 'yong kontrabidang matanda na madaming pinag-aralan, pero sa huli, luhaan at matandang dalaga pa rin dahil hindi kailanman naging option ng bida. Sayang ang lisensya mo, doktora. Mukha ka pa nam
POV: GiaIsang hindi inaasahang bisita ang biglang pumasok sa silid naming mag-asawa nang walang man lang katok- katok. Taglay ang napakayabang at feeling-entitled na lakad, pumasok si Dr. Renata na tila ba siya ang may-ari ng buong safehouse na ito. Ang kaniyang mga mamahaling stilettos ay lumilikha ng matitigas na tunog sa makintab na sahig—bawat hakbang ay puno ng kayabangan.Nakangisi siya nang may halong matinding pambabastos, habang dahan-dahang naglalakad patungo sa aking kinaroroonan. Tumigil siya sa gilid ng kama, ipinulupot ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib, at tinitigan ako mula ulo hanggang paa nang may matinding pangungutya. Ang kaniyang mga mata ay tila nagpapahiwatig na mas mataas siya sa akin sa lahat ng bagay."Doktora..." Bagamat hindi ko gusto ang kaniyang bastos na aura at ang malamig na hangin na dala niya sa loob ng kuwarto, pinilit ko pa ring magpaka civil. Nagpakawala ako ng isang munting ngiti—bilang paggalang na lang sa edad at propesyon niya."Alam
Bago ako tuluyang bumalik sa safehouse, dumaan muna ako sa isang kilalang flower shop sa lungsod. Gusto kong sorpresahin si Gia. Gusto kong makita ang maliwanag niyang ngiti na agad na nagpapakalma sa bawat pagod at bigat na nararamdaman ko. Sa loob ng tindahan, agad na nakawala ng aking atensyon ang isang natatanging basket of fuzzy wire flowers. Napakaganda at napakapino ng pagkakatagpi ng bawat petal; ginawa ito sa paraang mukhang totoong-totoo ngunit kailanman ay hindi malalanta. Katulad ng pagmamahal ko kay Gia— hindi malalanta, hindi masisira...Paglabas ko ng flower shop, dumaan din ako sa isang sikat na bakeshop upang bilhan siya ng kaniyang paboritong strawberry shortcake. Alam kong matutuwa ang aking asawa at ang maliit na buhay na nag-uumpisang lumago sa kaniyang tiyan.Ipinasok ko na ang mga binili ko sa backseat ng aking sasakyan at paalis na sana ako nang biglang mag-vibrate ang aking personal na telepono. Naka-flash sa screen ang pangalan ng isa sa mga pinakamataas at p
SUMISIGID ang amoy ng disinfectant sa aking ilong. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame na parang ulap sa kalangitan.‘Pumanaw na ba ako?’ iyon ang una kong naitanong sa aking sarili.Biglang luminaw ang aking pandinig. Rinig na rinig ko ang
“AKO naman talaga ang mahal ni Jansen. Ginagamit niya lang si Chantal para sa kanyang pag angat. Once na makuha na niya ang buong control sa company, itatapon na niyang parang basahan ang babaeng yun,” tinig iyon ni Veronica.Umaalingawngaw iyon sa loob ng banyo. Hindi man lang sila nagcheck muna
“CHANTAL!” Malakas ang tinig ni Jansen habang sinasalubong niya ako sa pasilyo ng aking opisina, “saan ka galing? Pumunta ako sa bahay niyo kanina, sabi ng katulong, hindi ka daw doon natulog!”Medyo nainis ako. Siya pa talaga ang may karapatang tanungin ako ng ganito, gayung siya ang nakalimot sa
POV: ChantalHilong hilo na ako. Masamang masama ang aking loob. Hindi ko akalaing tatraidurin ako ni Jansen ng dahil lang sa hindi ko siya mapagbigyan sa kama! Sisiguraduhin kong nagkakamali siya ng akala, na hahabulin ko siya! Hinding hindi ko na gagawin ang mga katawa tawang bagay na iyon.Sumus







