POV: GiaMatapos umalis ni Crisostomo para sa kanyang mga appointment sa korte, muli na naman akong naiwan sa loob ng napakalawak na penthouse suite. Napasandal ako sa gilid ng sofa habang bahagyang napapangiti nang mag-isa sa tuwing maiisip ang mga kaganapan kaninang umaga sa banyo.Habang nakalutang ang aking isip sa ulap ng kilig, napansin pala ako ni Salome na nandoon sa malapit at nagpupunas ng figurine."Madam... mukhang masayang-masaya po kayo ah," mabilis na puna ni Salome na may kasamang magalang na ngiti.Lumingon ako sa kanya at pinagmasdan siya. Dahil siguro sa takot na baka lumagpas siya sa kanyang hangganan, mabilis na napayuko ang kasambahay at tila namutla."Naku, Madam! Pasensya na po kayo... Patawarin niyo po ako," mabilis niyang hingi ng paumanhin habang bahagyang nanginginig ang mga kamay.Natawa ako nang mahina at binigyan siya ng isang malambing na ngiti. "Bakit ka ba natatakot? Hindi naman ako nangangagat, Salome.""Nahihiya lang po ako, Madam. Usisera po kasi a
Read more