LOGIN"I miss you na, mahal ko..."Ang malambing at pilit na paimbabaw na boses ni Aila ang agad na humagupit sa aking tainga pagkababa ko pa lamang ng sasakyan. Bago ko pa man maituwid ang aking tayo sa underground parking, mabilis siyang lumapit at yumakap sa aking baywang."Akala ko... hindi ka na uuwi rito," dagdag niya sa isang pa-cute at naglalambing na tono. "Tara sa unit ko, ipagluluto kita ng paborito mong hamonado..."Naramdaman ko ang mabilis na pag-akyat ng matinding inis sa aking dibdib. Ang pabangong gamit niya—na dating humahalimuyak sa akin—ngayon ay nagdudulot na lamang ng matinding pagkasuklam.Marahas kong inalis ang kanyang mga kamay na nakayakap sa aking baywang at mabilis siyang itinulak nang bahagya palayo."Bakit ka naman nagagalit? Ano bang ginawa kong mali sa 'yo?" pagkukunwari niya, habang ipinapakita ang paborito niyang mukha ng isang inosenteng biktima."Aila... niloko mo ako. Bakit itinatanong mo pa kung ano ang ginawa mong mali?" malamig at nandidiri kong tu
"Matagal ko na po sanang gustong sabihin sa inyo ito, Attorney," pahayag ng matanda, habang dahan-dahang pinapatakbo ang SUV. "Nong mga panahon po na kayo pa ni Miss Aila... napakarami ko pong nakikita at nalalaman tungkol sa kanya na hindi niyo alam. Ilang beses ko po siyang naihatid sa kung saan-saan kapag wala kayo sa mansyon o kapag busy kayo sa korte. May mga pagkakataon po na nagpapahatid siya sa mga bar at hotel, at doon... nakikita ko po siyang may kasamang ibang lalaki."Natahimik ako. Hindi ako nagulat sa katotohanan, ngunit ang marinig ito mula sa aking matapat na driver ay nagdulot ng panibagong pait sa aking lalamunan."Ang lalaking 'yon... si Benny," patuloy ni Mang Arturo. "Ilang beses ko pong nakitang sumasakay 'yon sa kotse kapag malayo na tayo sa opisina niyo. Nagpapapabili si Miss Aila ng mga mamahaling gamit gamit ang credit card niyo, tapos ibinibigay niya sa lalaking 'yon. Nakikita ko po sa rear view mirror kung paano sila maglambingan sa backseat... habang ka
Bumaba ako gamit ang pribadong elevator ng gusali. Paglabas ko sa may lobby, agad na lumapit si Mang Arturo upang kunin ang aking briefcase at pinagbuksan ako ng pinto ng itim na SUV.Nang makapasok ako sa backseat, isinara niya ang pinto at mabilis na umikot patungo sa driver's seat. Inihinto niya ang sasakyan sa exit ng parking habang inaayos ang rearview mirror upang tignan ako."Saan po tayo ngayon, Attorney? Sa mansyon po ba sa Antipolo o sa condo niyo sa may BGC?" tanong ni Mang Arturo habang umaandar na kami sa gitna ng abalang kalsada.Isinandal ko ang aking ulo sa leather seat ng sasakyan at tumingin sa labas ng bintana."Sa condo, Mang Arturo," malamig kong sagot. "Doon muna ako uuwi ngayon... naghihintay doon ang asawa ko."Biglang napatapak si Mang Arturo sa preno ng sasakyan, dahilan upang bahagya kaming yumugyog sa gitna ng daan! Mabilis na nagmura ang ilang driver sa likod at bumusina nang malakas, ngunit tila hindi iyon narinig ni Mang Arturo.Nangatog ang kanyang mg
POV: CrisostomoNakatitig pa rin ako sa dumidilim na screen ng aking cellphone habang nakasandal sa aking swivel chair sa loob ng opisina. Isang bahagyang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi nang muling umaalingawngaw sa aking isipan ang mga huling salitang binitawan ni Gia sa telepono.Kakastiguhin niya si Aila?Napailing ako nang bahagya. Paano kaya niya gagawin iyon? Sa kabila ng pagiging tahimik at tila mahinhin ni Gia, may natatagong talim, tapang, at kakaibang awtoridad sa kanyang mga mata na ngayon ko pa lamang tuluyang natutuklasan. Isang katangiang napakalayo sa babaeng naging bahagi ng buhay ko sa loob ng pitong taon.Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata habang bumabalik ang aking isip sa nakaraan.Pitong taon na ang nakakaraan nang unang magtagpo ang aming mga landas ni Aila. Trenta y tres pa lamang ako noon at nagsisimula pa lamang magpundar ng pangalan bilang isang abogado nang hawakan ko ang kaso ng kanyang ama. Sa kasamaang-palad, napatay ang kanyang ama sa i
Matapos ang maingay at nakakatawang eksena ni Aila sa labas ng pinto, muling naghari ang katahimikan sa loob ng napakalawak na penthouse.Nakatayo pa rin ako sa harap ng glass wall, habang dahan-dahang hinahalo ang mainit na tsaa sa aking hawak na tasa. Ang mga ilaw ng siyudad sa ibaba ay patuloy sa kanilang maningning na pagsayaw, ngunit ang aking isip ay nagsimula nang gumawa ng sarili nitong mga hakbang.Hindi ako pwedeng manatiling manonood lamang sa sarili kong buhay. Matagal akong naging biktima—sa kamay ng sarili kong mga magulang, sa karahasan ni Anthony, at sa takot na bumalot sa akin nang ilang buwan. Ngunit ngayon, sa ilalim ng proteksyon at pangalan ng isang Crisostomo Ricaforte, hindi ko na hahayaan na kahit sinong tulad ni Aila ay tapak-tapakan o guluhin ang aking kapaligiran.Kinuha ko ang aking telepono mula sa mesa. Hahanapin ko sana ang numero ni Crisostomo, ngunit bago ko pa man iyon mapindot, biglang umilaw ang screen at lumabas ang kanyang pangalan.Dahan-dahan ko
"Oh.. F*ck.. Benny.. harder.." daing ko habang patuloy niya akong binabayo sa bath tub.Naka tuw*d ako sa kanyang harapan, habang patuloy siya sa malalaswang paghipo sa akin.Nakasabunot ang kanyang kamay sa aking buhok, samantalang ang kanyang isang hinlalaki ay nakasuot sa butas ng aking pang upo..Tirik na tirik ang aking mga mata sa tindi ng kiliti at sarap na aking nararamdaman."Sino ang magaling?" gigil na tanong niya sa akin habang marahas na hinihila ang aking buhok, at inilalabas masok ang daliring iyon sa pang upo kong butas."You!! aaah.. you're the best!" sigaw ko habang paulit ulit na napapahiyaw sa labis na sarap na aking nararamdaman.Marahas niyang hinugot ang kanyang espada, saka binuhat niya ako patungo sa kama. Ganito ang gusto kong s*x..Wild.. mapanakit.. at hard..Hindi kagaya ni Crisostomo na tandang tanda na, masyado pang mayumi kumilos. Husto lang sa ganda ng katawan, pero hindi naman magaling sa kama.Iyon ang dahilan kung bakit nahumaling ako kay Benny.. so
“CHANTAL!” Malakas ang tinig ni Jansen habang sinasalubong niya ako sa pasilyo ng aking opisina, “saan ka galing? Pumunta ako sa bahay niyo kanina, sabi ng katulong, hindi ka daw doon natulog!”Medyo nainis ako. Siya pa talaga ang may karapatang tanungin ako ng ganito, gayung siya ang nakalimot sa
Naalimpungatan ako, dahil sa tunog ng cellphone sa gilid ng mesa. Nasa loob pa iyon ng aking bag. Kahit masakit ang aking ulo, lalo na ang aking katawan, kinapa ko iyon, saka dinukot ang aking cellphone. Si Leila!“Hoy! Bruha ka, nasaan ka na? Sabi ko, room 839, bakit wala ka pa dito! Lumamig na yu
POV: ChantalHilong hilo na ako. Masamang masama ang aking loob. Hindi ko akalaing tatraidurin ako ni Jansen ng dahil lang sa hindi ko siya mapagbigyan sa kama! Sisiguraduhin kong nagkakamali siya ng akala, na hahabulin ko siya! Hinding hindi ko na gagawin ang mga katawa tawang bagay na iyon.Sumus
SUMISIGID ang amoy ng disinfectant sa aking ilong. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame na parang ulap sa kalangitan.‘Pumanaw na ba ako?’ iyon ang una kong naitanong sa aking sarili.Biglang luminaw ang aking pandinig. Rinig na rinig ko ang







