"Pati 'yung limang tao ko sa studio, nadakip ng mga pulis! Wala na akong kontrol, Mom! Wala na!"Halos bumagsak na ang lahat ng pag-asa ko dahil sa kasawiang tinatamasa ko ngayon. Napahawak ako sa aking ulo habang mabilis at magulo ang aking paghinga. Ano bang ayaw sa akin ng babaeng iyon? Ibinigay ko naman ang lahat. Ipinakita ko ang pera, ang kapangyarihan, at ang pagmamahal ko, pero bakit parang mas lalo niya lang akong itinutulak palayo?"May kontrol ka pa, anak," malumanay at may diin na sabi ni Daddy sa akin, habang pilit na kinukuha ang baril mula sa aking nanginginig na kamay. "Makinig ka sa akin, Anthony. Magkakamali ka kapag nagpadala ka sa galit at emosyon mo. Tingnan mo ang sarili mo... nanginginig ka. Pinalalabas mo lang na talo ka na sa laro na 'to. Hindi ganyan makipaglaro sa tao, anak..."Natigilan ako. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at tinitigan si Daddy na may halong pagtatanong at pagmamakaawa sa aking mga mata."Anong gusto mong gawin ko, Dad?!" hingal kong
Mehr lesen