Kinagabihan, hindi na ako nagpalipas pa ng oras. Agad akong nagpatawag ng isang malaking lihim na pagpupulong sa pinakamalalim at pinakapribadong underground hall sa ilalim ng aking mansiyon. Isang lugar na protektado ng matataas na pader, walang signal, at walang sinumang pwedeng makapasok kung walang espesyal na imbitasyon mula sa akin.Isang oras bago sumapit ang hatinggabi, isa-isang nagsipagdatingan ang mga sasakyan ng mga tinawag kong big boss—ang mga lider ng iba't ibang sindikato, pamilya, at alyansa sa underworld na matagal ko nang ginagapang at sinusuhulan.Nang pumasok ako sa malawak na bulwagan, halos ma-excite ang buo kong katawan. Nakaupo sa paligid ng isang napakahabang mahogany table ang limampung pinakamalalakas at pinakamayamang underground bosses mula sa iba't ibang rehiyon. Naroroon ang Hanson Clan, ang mga lider ng ilegal na smuggling sa silangan, ang mga humahawak sa black market ng mga baril sa timog, at ang mga nagpapatakbo ng malalaking gambling rings.Limamp
Mehr lesen