Share

Chapter Thirty Four

Author: FourStars
last update publish date: 2026-05-26 23:52:23

Hindi pa rin umimik si Lexy. Umikot siya sa desk ni Harley at naupo sa swivel chair nito, tsaka itinaas ang dalawang paa sa mesa.

Nanatiling nakatayo sa harapan niya sina Raika at Harley.

Unang bumasag ng katahimikan si Harley. "Pre-President Black, pasensya na," hinging-paumanhin niya agad. "Hi-hindi ko talaga inakala na ganoon ang magiging asal ng sekretarya ko. Huwag kang mag-alala, i-ipatatanggal ko agad si Isabelle kung—"

"Kumusta naman ang benta natin ngayong buwan?" kaswal na tanong ni L
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor   Chapter Forty Two

    “I have my reasons and I have no obligation to explain it to you,” she said coldly.Inasahan na ni Frederick ang ganitong sagot mula kay Lexy. Alam naman niyang matalino ang dalaga at hindi basta-basta makukuhanan ng impormasyon.Nagsalita muli si Lexy. “Inaantok na ako. Tapusin na natin 'to agad para makauwi na ako,” aniya.Tumayo siya sa kinauupuan, lumapit kay Arnold, at biglang naglabas ng baril. Walang pag-aalinlangan niya itong itinutok sa noo ng matanda, na siyang ikinagulat nito nang lubos. Dahil sa marahas niyang gawi, agad na naalarma ang mga tauhan ng mag-amang Orcos at sabay-sabay na tinutukan ng armas si Lexy.Sandaling sinulyapan ni Lexy ang mga taong nakatutok ang baril sa kanya, tsaka muling ibinaling ang malamig na tingin kay Arnold. “Tingnan natin kung ano ang mas mabilis. Ang mga tauhan mo...” Marahas niyang hinila sa kwelyo ang matanda. “...o ang pagsabog ng ulo mo,” bulong niya.Sa sandaling iyon, tuluyang nahintakutan si Arnold sa biglaang pagbabago ng sitwasyon.

  • Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor   Chapter Forty One

    The room became quiet again and the tension grew more dramatically with the silence.Mariing nakatitig kay Lexy ang may-edad na lalaki, sinusuri siya mula ulo hanggang paa bago marahas na nagsalita. "At sino ka naman?" tanong nito."Why don’t you take a guess?" nakangiting sabi niya.Hindi agad umimik ang matanda. Base sa igting ng kanyang mukha, halatang pilit niyang kinikilala kung sino ang babaeng nasa kanyang harapan.Ilang minuto ang lumipas sa ganoong katahimikan.Nakaramdam na ng pagkainip si Lexy kaya lumapit siya sa bakanteng upuan. Nang makita ito, agad na kumilos si Raika para i-adjust ang upuan para sa amo.Lexy sat down, her legs crossed. "Ang sabi nila noon, kamukha ko ang Dad ko. ‘Yung iba naman ang sabi ay ang Mom ko. Pero karamihan sa mga nakakakilala sa akin, sinasabing I took after my grandpa the most," kwento niya. "Know what, may narinig akong kwento noon kay Lolo. Marami siyang rival gangs na natalo at naagawan ng teritoryo. Pero alam mo kung anong pinakanagustuh

  • Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor   Chapter Forty

    Lexy and Raika kept a safe distance, enough to observe the men waiting for the elevator door to open.Matapos ang ilang minutong paghihintay ay bumukas na rin sa wakas ang elevator. Mabilis na pumasok ang mga kalalakihan, agad na pinindot ang floor kung saan sila patungo, at muling sumara ang pinto.Naghintay pa ng kaunti sina Lexy at Raika. Pinanood nila ang pataas na numero sa display hanggang sa huminto ito sa ikatlong palapag. Kung tama ang kanilang suspetya, ang mga lalaking iyon nga ang mga nagtutulak ng droga na pinatawag ni Mr. Orcos.Lumingon si Lexy kay Raika. “Bilis. Puntahan mo si Harley at sabihin mong tawagin ang ilang mga tauhan natin,” utos niya.Mabilis na tumango si Raika at agad na kumilos.Samantala, sa loob ng VVIP Lounge, nakatayo sa magkabilang gilid ang mga naglalakihang lalaking nakaitim.Sa bilugang mesa sa gitna, dalawang tao lamang ang nakaupo.Isang ashtray bigla na lamang lumipad patungo sa ulo ng isang lalaki. Sa lakas ng pagkakabato, nag-iwan ito ng sug

  • Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor   Chapter thirty Nine

    “May nakuha ka bang importante?” tanong ni Lexy.Umiling si Raika. “Wala. Ilang beses ko na siyang kinapkapan pero walang kahit isang ID o dokumentong magpapakita kung sino siya,” paliwanag ng assistant habang inilalatag ang mga nakuha. “Ito lang ang laman ng bulsa niya.”Ipinakita niya ang tatlong sachet ng party drugs, isang .45 caliber handgun, isang patalim, at isang misteryosong black card na walang nakasulat na kahit anong pangalan o impormasyon.Naningkit ang mga mata ni Lexy nang makita ang itim na kard. Kinuha niya ito at maingat na sinuri ang harap at likod. Ang tanging disenyo nito ay ang nakaukit na gintong dragon na napalilibutan ng pilak na bilog.Pinalipas niya sa kanyang isip ang lahat ng mga pamilyar na sindikato o organisasyon, ngunit wala siyang maalalang nakita na ang ganitong simbolo. Dahil blangko ang kanyang hula, ibinalik niya ito kay Raika.“Itago mo muna ‘yan. Baka makatulong ‘yan sa pag-iimbestiga natin sa mga susunod na araw,” utos niya.“Sige,” sagot ni Ra

  • Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor   Chapter Thirty Eight

    Nang maglabas ng patalim ang lalaki, awtomatikong napahawak si Lexy sa sarili niyang armas sa ilalim ng kanyang damit. Handa na siyang umamba ng saksak, ngunit napatigil siya nang biglang bumangon si Raika—pasuray-suray at may sapak pa rin ng "kalasingan."Umarte si Raika na parang mawawalan ng balanse at sumandal sa balikat ni Lexy. Ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa baywang nito, nagkukunwaring nagpapasaklolo para lang makatayo nang maayos.“Ang ingay niyo…” reklamo ni Raika, pikit-mata at tila naiirita. “Hindi pa ba tayo uuwi, Lex? Inaantok na ako,” bulong nito.Malalim na bumuntong-hininga si Lexy. Dahan-dahan niyang binitawan ang nakatagong patalim at agad na inakay ang "lasing" niyang assistant.“Pasensiya na. Nag-uusap lang kami sandali,” banayad na sagot ni Lexy, bago bumaling sa lalaki. “Sige na, uuwi na kami ng kaibigan ko.”Tatalikod na sana sila nang biglang hablutin ng lalaki ang braso ni Lexy. Sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito, naramdaman ni Lexy ang matinding

  • Dangerous Love Game with Mr. Prosecutor   Chapter Thirty Seven

    Sa Main Floor, muling inikot ni Lexy ang paningin sa paligid para hanapin ang assistant niya. Ilang minuto na siyang pabalik-balik pero hindi pa rin niya makita si Raika—hanggang sa may bigla na lang humila sa kanya.Nakahanda na ang kamay niya para bumunot ng patalim, pero natigilan siya nang makitang si Raika pala ang humihila sa kanya patungo sa isang sulok.“Saan ka ba nagpunta?” agad niyang tanong.“Mamaya na natin pag-usapan ’yan, tara!” nagmamadaling sabi ni Raika sabay hatak muli kay Lexy palabas ng club.Lexy did not ask again and let Raika pull her outside. Both of them moved quickly, heading straight toward the wide parking lot at the back of the club. Nang bumagal at naging natural ang lakad ni Raika, agad siyang sumabay sa agos nito.“Just act natural. Kunwari narito tayo para puntahan ang kotse natin. At saka, magpanggap na rin tayong lasing,” bulong ni Raika sa kanya.Tumango lang si Lexy bilang sagot.Nagsimula agad umarte si Raika at biglang sumandal sa kanya, kunwari

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status