Dalawang araw na ang nakalipas mula nang ihatid namin si Daddy sa kaniyang huling hantungan, pero nananatili pa rin kami rito sa La Union.Napuno ng masasayang halakhak ang dalampasigan dahil sa mag-amang sina Gale at Niko na walang sawang naghahabulan sa mababaw na bahagi ng dagat."Catch me, Daddy!" masayang sigaw ni Niko habang tumatakbo palayo sa papa niya, talsik-talsik ang tubig sa bawat hakbang ng maliliit niyang paa.Agad naman siyang hinabol ni Gale. Nang maabutan niya ang anak, mabilis niya itong binuhat at iniikot sa ere habang sumasaboy ang tubig-alat, dahilan para lalo pang lumakas ang tawa ng bata.Napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa mula sa dalampasigan. Nakaupo ako sa mainit na buhangin, nakasandal ang magkabilang kamay sa likod habang hinaharap ang sikat ng araw.Ang sarap sanang panoorin nang matagal ang eksenang iyon kung hindi ko lang alam na may hangganan din ang pansamantalang kaligayahang nakikita ko.Sila ang dalawang taong pinakamamahal ko. Ang an
Read more