Walang nakapagsalita sa sinabi ng doktor.Ilang sandali lang ang lumipas bago umalingawngaw ang matinding hagulgol ni Crystal. Napahandusay siya sa bisig ni Nate.Si Rayjee naman ay napaatras nang ilang hakbang matapos marinig ang sinabi ng doktor.Lumakas din ang pag-iyak ni Glenda na nakasandal sa dibdib ni Gale.Tumulo ang luha sa mga mata ko."Please! Do anything to save my father!" sigaw ni Rayjee, garalgal at basag ang boses.Agad na ipinahanda ng doktor ang operation room para kay Rage. Katabi lang ito ng emergency room kaya hindi na namin kailangang lumipat pa nang malayo.Nang makaalis ang doktor, lumapit si Rayjee sa asawa niya at pumalit kay Gale. Agad na niyapos ni Glenda ang kaniyang asawa.Si Gale naman ay parang nanginginig na napaupo na lang sa bench.Lahat sila ay may matinding takot sa kanilang mga mata. Pero tanging si Nate lamang ang nakatayong matatag sa kanilang lahat. Walang luha sa kaniyang mga mata ngunit naroon ang malalim na takot na baka mawala ang Lolo niy
Mehr lesen